20-1 Sistema ng Edukasyon sa bansang Hapon
Ang kompulsaryong edukasyon sa Japan ay 6 na taon sa elementarya mula sa edad na 6 taon gulang at 3 taon sa junior high school mula sa edad na 12 taon gulang, at may kabubuan na 9 na taon. Ang mga dayuhang bata ay hindi inuobligahang pumasok sa elementarya at junior schools sa Japan pero maari o pinapayagan silang pumasok sa nakatalagang eskuwelahan sa distrito kung saan sila naninirahan.
20-2 Kindergarten
Mayroong 9 na pribadong kindergarten sa Fujimi-shi, 7 sa Fujimino-shi at 3 sa Miyoshi-machi.
Para sa proseso ng pag-apply sa pagpasok kontakin lamang ang upisina ng kindergarten.
[Katanungan]
- Fujimi-shi Hoiku-ka Hoiku-kakari : tel.049-252-7105
- Fujimino-shi Hoiku-ka Hoiku-kakari : tel.049-262-9035
- Miyoshi-machi Kyoiku Iinkai Gakko Kyoiku-ka : tel.049-258-0019
20-3 Elementarya at junior high school
(1) Paano makakapasok sa elementarya/ junior high school?
Para sa mga batang papasok sa Abril, sila ay dapat nakapagpalista noong nakaraang taon, at sa buwan ng Oktubre ay kasama sila sa pagpa-medical check up ng mga estudyante. Kung kayo ay bagong lipat sa bayan pagkalagpas ng Setyembre at nais ninyong ipasok ang inyong anak sa pampublikong paaralan, makipag-ugnayan sa tanggapan ng education board ng bayan o syudad. Gayundin, para sa mga dayuhang bata kung nais silang ipasok ng mga magulang sa public elementary / junior high schools, magsadya lamang sa tanggapan para sila ay mabigyan ng abiso.
(2) Paglipat sa pampublikong paaralan sa bayan mula sa ibang paaralan
Kung ililipat ninyo ang inyong anak sa pampublikong paaralan ng bayan/syudad, dalhin lamang ang student registration certificate at resibo para sa mga libreng aklat na inyong natanggap mula sa dating paaralan.
(3) Paglipat sa ibang paaralan
Kung kayo ay lilipat ng tirahan o uuwi sa sariling bansa, ipaalam sa paaralan na inyong pinapasukan.
[Katanungan]
- Fujimi-shi Kyouiku Iinkai Kyouiku-bu Gakko Kyouiku-ka : tel.049-251-2711
- Fujimino-shi Kyouiku Iinkai Gakko Kyouiku-ka Gakumu-kakari : tel.049-220-2084
- Miyoshi-machi Kyouiku Iinkai Gakko Kyouiku-ka : tel.049-258-0019
20-4 Suportang pinansyal at konsultasyon
(1) Subsidy sa panggastos sa paaralan
Para sa mga magulang na may kahirapang pinansyal mayroong subsidy para sa gastusin sa paaralan. Ang subsidy ay para sa mga sumusunod: gamit sa eskuwela, bayad sa pagkain sa eskuwelahan, at gastusing medical. Makipag-ugnayan sa mga sumusunod na tanggapan para sa edukasyon para sa detalye.
[Katanungan]
- Fujimi-shi Kyouiku Iinkai Kyouiku-bu Gakko Kyouiku-ka : tel.049-251-2711
- Fujimino-shi Kyouiku Iinkai Gakko kyouiku-ka Gakumu-kakari : tel.049-220-2084
- Miyoshi-machi Kyouiku Iinkai Gakko Kyoiku-ka : tel.049-258-0019
(2) Scholarship at suporta para sa mga naulilang bata dahil sa aksidente sa trapiko
Ang sistemang ito ay nagbibigay ng suporta sa mga batang naulila dahil sa aksidente sa trapiko, sa kanilang gastusin sa pag-aaral sa junior/ high schools o kung nais magpatuloy sa pag-aaral sa universidad o gastusin sa paghahanap ng trabaho. May mga karapampatang kondisyon at mga alintuntunin.
[Katanungan]
- Fujimi-shi Fukushi Seisaku-ka Fukushi Seisaku kakari : tel.049-251-2711
(3) Sistema ng subsidy para sa pondo ng pang-edukasyon
Upang mabawasan ang pinansiyal na pasanin ng mga humiram ng pera mula sa Japan Finance Corporation o sa Japan Student Services Organization (JASSO) para sa gastusin sa pag-enroll o kasalukuyang naka-enroll sa isang high school o unibersidad, mayroong sistema na nagbibigay ng subsidiya sa ilang bahagi ng interes sa pagbabayad upang mapagaan ang kanilang pinansiyal na pasanin. May mga kondisyon nga lamang na kailangan masunod. Mangyaring makipag-ugnayan para sa iba pang detalye.
[Katanungan]
- Fujimi-shi Kyoiku Iinkai Kyoiku-bu Kyoikuseisaku-ka Soumu Kikaku Group : tel. 049-251-2711
- Fujimino-shi Kyoiku Iinkai Kyoiku Soumu-ka Soumu-kakari : tel.049-220-2080
20-5 Nihonggo Class
Para sa mga banyagang mamamayang nais matuto ng wikang Hapon, may mga libreng pag-aaral ng Nihonggo sa iba’t ibang kouminkan at mga asosyasyon. Ang mga klase ay mula sa beginner’s level hanggang advanced na pag-aaral. Listahan ng mga lugar kung saan may Japanese classes:
- Fujimi Nihonggo Kyoushitsu
- Araw at oras : tuwing Martes 10:00~11:30, Biernes 13:30~15:00, Sabado 14:00-15:30
- Lugar : Tsuruse nishi koryu center
- Magtanong sa : tel. 090-4955-4389 (Ms. Morita)
- Pag-aaral ng Nihongo para sa mga bata
- Araw at oras : tuwing Miyerkules (maliban sa ika-5 Miyerkules ng buwan) 17:00 ~ 19:00
- Lugar : Mizuhodai community center
- Magtanong sa : tel.090-4955-4389 (Ms. Morita)
tel. 090-2334-4678 (Ms. Matsuo)
- Klase ng Nihongo
- Araw at oras : tuwing Linggo at Miyerkules 10:00~11:30
- Lugar : Kamifukuoka nishi kouminkan (Simula September 29, 2025 ay gagawin sa Fujimino Stella East)
- Magtanong sa : tel.049-266-9501 (nishi kouminkan)
- Klase ng Nihongo
- Araw at oras : Lunes at Huwebes, 10:00-11:30
- Saan : Fujimino International Exchange Center (FICEC)
- Tumawag sa : Tel.049-266-9501
- Fujimino International Cultural Exchange Center (FICEC) nihonggo kyoushitsu
- Araw at oras : Lunes 〜Biyernes10:00~12:00
- Lugar : FICEC office
- Magtanong sa : tel. 049-256-4290
- Miyoshi Fujikubo nihonggo kyoushitsu
- Araw at oras : tuwing Miyerkules 10:00~12:00
- Lugar : Fujikubo public hall (kouminkan)
- Magtanong sa : tel.049-258-0690
- Miyoshi Chikumazawa nihonggo kyoushitsu
- Araw at oras : tuwing Biyernes 14:00~16:00
- Lugar : Chikumazawa public hall (Kouminkan)
- Magtanong sa : tel.049-259-8311
20-6 Pagtuturo ng Nihonggo sa mga estudyanteng banyaga
Ang mga banyagang estudyante na hindi pa nakakaintindi o nakakapagsalita ng Nihongo ay maaring makiusap na mabigyan sila ng Nihongo lessons ng mga volunteers sa kanilang eskuwelahan sa elementarya at junior high school.
Magsadya o kontakin lamang ang Board of Education. (Isang oras sa isang lingo )
[Katanungan]
- Fujimi-shi Kyouiku Iinkai Kyouiku-bu Gakkou Kyouiku-ka : tel.049-251-2711
- Fujimino-shi Kyouiku Iinkai Gakkou Kyouiku-ka Shidou-kakari : tel.049-220-2085
- Miyoshi-machi Kyoiku Iinkai Kyoiku Center : tel .049-258-0019