Japanese Chinese Korean English Portuguese Tagalog Vietnamese
12 National Health Insurance
Living Guide Top
Tagalog Top
1 Sistema ng residency management
2 Sistema ng family registry
3 Rehistrasyon ng Selyo o Seal
4 Pabahay
5 Tubig, Gas, Elektrisidad at Telepono
6 Pagtatapon ng Basura
7 Post Office at Delivery Companies
8 Banko
9 Trapiko
10 Buwis
11 Trabaho
12 National Health Insurance
13 National Pension Plan
14 Asosasyon ng mga magkakapitbahay
15 Pag-iwas sa Kalamidad, Apoy at Emergency
16 Aksidente sa kalye
17 Pangangalaga ng bata
18 Welfare
19 Health checkups para sa mga adults
20 Edukasyon
21 Impormasyong Medikal
22 Konsultasyon at Pagpapayo
Pasilidad
23 City/Town Halls at iba pang mga pampublikong pasilidad
24 Mga paaralan at mga institusyong pang-edukasyon
25 Iba pang mga pampublikong pasilidad
26 Refuge (Shelter)
27 Mga Klinika at Ospital
 

Para sa mga naninirahan sa bansang Hapon, maaari kayong kumuha ng national health insurance upang maging magaan ang gastusin sa pagpapagamot at pagpunta ng ospital. Kung kayo ay nagtatrabaho sa isang kumpanya, kayo ay ipinapasok sa employee health insurance kung kaya’t kailangang mag-apply para sa pagpapawala ng bisa ng national health insurance.

Sa kasong ito, kailangan mong magdala ng mga dokumentong inisyu ng iyong employer na nagpapakita ng petsa kung kailan ka sumali sa health insurance (tulad ng certificate of eligibility confirmation, notice of eligibility information, o certificate of eligibility acquisition) sa pagpunta sa city hall o iba pang tanggapan upang mag-aplay para sa pagpapatigil ng pagiging kwalipikado.

12-1 Dayuhang residente na maaaring makapag-enrol sa national health insurance

  • Sinumang nakalista sa “Basic Resident registration” at pinayagan manatili ng higit sa 3 buwan.
  • Sinumang mananatili sa Japan ng hindi aabot sa 3 buwan, subalit pinayagang manatili ng higit sa 3 buwan ayon sa dokumento ng “status of residence” na may lagda ng “Minister of Health, Labor and Welfare”.

Mga banyagang residente ay kailangan magpatala sa “national insurance system”, kung natugunan ang (1) o (2) ng nasa itaas at hindi nakatala sa “employees’ health insurance system”.

[Katanungan]
  • Fujimi-shi Hoken Nenkin-ka Kenko Hoken kakari: tel. 049-252-7112
  • Fujimino-shi Hoken-Nenkin-ka Hoken-Nenkin-kakari : tel.049-262-9020
  • Miyoshi-machi, Jumin-ka, Hoken Nenkin tanto : tel.049-258-0019

12-2 Paraan sa pag-enrol

Ang inyong resident card, pasaporte at notification card o Individual Number card ay kailangan para maka-enroll sa national health insurance. May pagkakaiba ang mga kondisyones sa pag-enroll, kung kaya’t makipag-ugnayan sa Insurance-Pension Section ng Fujimi-shi, Insurance-Pension Section ng Fujimino-shi o sa Residents Affairs Sect ng Miyoshi-machi.

Kung naka-enroll ka sa health insurance at iba pa sa iyong pinagtatrabahuhan dapat mong dalhin ang mga dokumentong inisyu ng iyong employer na nagpapakita ng petsa kung kailan ka sumali sa health insurance (tulad ng certificate of eligibility confirmation, notice of eligibility information, o certificate of eligibility acquisition) upang makumpleto ang pagpapatigil ng pagiging kwalipikado.

[Katanungan]
  • Fujimi-shi Hoken Nenkin-ka Kenko Hoken kakari: tel. 049-252-7112
  • Fujimino-shi Hoken-Nenkin-ka Hoken-Nenkin-kakari : tel.049-262-9020
  • Miyoshi-machi, Jumin-ka, Hoken Nenkin tanto Tel.049-258-0019

12-3 National Health Insurance Tax (Premium)

Sa inyong pagsapi sa National Health Insurance , bilang gastusin sa pagpapagamot ay papatawan kayo ng national health insurance tax na ibabase sa inyong kita noong nakaraan taon at ng per capita rate depende sa bilang ng kasambahayan.

Gayundin, para masuportahan ang sistemang medikal para sa latter-stage elderly care (ibabase sa income at per capita rates), ang mga kasaping miyembro na may edad 40 hanggang 64 taong gulang ay papatawan ng buwis para sa long term care insurance (base sa income at per capita rate) at ito ay isasama sa pagkalkula ng babayaran para sa national health insurance tax.

Ang national health insurance tax ay mahalaga para mapunan at masuportahan ang national health insurance ng sambayanan.

[Katanungan]
  • Fujimi-shi Hoken Nenkin-ka Kokuhozei kakari: tel. 049-252-7113
  • Fujimino-shi Hoken-Nenkin-ka Hokenzei-kakari : tel.049-262-9039
  • Miyoshi-machi, Jumin-ka, Hoken Nenkin tanto : tel.049-258-0019

12-4 Sa pagpunta ng ospital

Kapag ikaw ay nakatala sa National Health Insurance, Isang “Certificate of Eligibility o Notice of Eligibility” ang ibibigay sa bawat tao. Mangyaring ipakita ang iyong My Number health insurance card kapag tumatanggap ng paggamot sa ospital. Ang mga walang My Number na health insurance card ay bibigyan ng Certificate of Eligibility, kaya mangyaring ipakita iyon. Dagdag pa rito, ang mga may My Number na health insurance card ay makakatanggap ng Notice of Eligibility. Ipakita ang notice na ito kasama ng iyong My Number health insurance card kapag hindi magagamit ang card.

[Katanungan]
  • Fujimi-shi Hoken Nenkin-ka Kenko Hoken kakari: tel. 049-252-7112
  • Fujimino-shi Hoken-Nenkin-ka Hoken-Nenkin-kakari : tel.049-262-9020
  • Miyoshi-machi, Jumin-ka, Hoken Nenkin tanto Tel.049-258-0019

12-5 Babayarin sa pagpapagamot

Kapag kayo ay nagpagamot o kumunsulta sa ospital at mayroon kayong health insurance certificate, kayo ay magbabayad lamang ng 30% ng buong kabayaran, 20%~30% para sa mga matatanda 70 anyos pataas, 20% para sa mga batang hindi pa pumapasok sa elementarya, at ang kalabisan ay babayaran ng insurance. Sakaling ang gastusin ng isang pasyente ay lumampas sa nakatalagang halaga kada buwan, ang sobrang binayaran ay maaring ideklara bilang mataas na gastusin ng pagpapagamot at ito ay maibabalik sa pagpasa ng aplikasyon.

Kung maipasa ninyo ang “eligibility certificate for ceiling-amount application” sa ospital o pagamutan, ang babayaran ninyo ay yung halaga ayon sa limit na nakatalaga.

[Katanungan]
  • Fujimi-shi Hoken Nenkin-ka Kenko Hoken kakari : tel. 049-252-7112
  • Fujimino-shi Hoken Nenkin-ka Hoken Nenkin kakari : tel.049-262-9020
  • Miyoshi-machi, Jumin-ka, Hoken Nenkin tanto : tel.049-258-0019

12-6 Specific health checkup

Simula Abril 1, ang Specific health checkup ay isinasagawa para sa mga may edad 40~74 na nakatala sa national health insurance. Ang tiket para sa pagsusuri ay ipapadala sa mga naka-akda sa katapusan ng Mayo. Maari lamang na pumunta sa medikal na institusyon na nakatalaga sa bawat bayan o siyudad para sa pagsusuri mula Hunyo 〜 Nobyembre. (Sa magiging 75 taon gulang sa taong ito, magpasuri bago ang araw ng kaarawan.) Walang bayad ang pagsusuri. (simula Abril, 2021).

Ang pagsusuri ay kinapalooban ng pisikal na sukat (tulad ng taas, bigat, at sukat ng bewang), dugo, ihi, electrocardiogram, atibpa. Sa mga nasuring merong “metabolic syndrome” o maaring magkaroon, mayroong “kalusugang gabay para sa pagbabago ng life style”.

[Katanungan]
  • Fujimi-shi Hoken Nenkin-ka Kenko Hoken kakari: tel. 049-252-7112
  • Fujimino-shi Hoken-Nenkin-ka Iryou-hi Shikyu-kakari : tel.049-262-9042
  • Miyoshi-machi, Jumin-ka, Hoken Nenkin tanto : tel.049-258-0019

12-7 Recreational facilities at kumpletong medical checkup (Ningen Dokku)

(1) Recreational facilities at mga subsidy

Para sa pangangalaga ng kalusugan ng mga residente ng syudad at bayan ay nakikipag-ugnayan ang mga upisina ng munisipyo sa mga nakatalagang recreational facilities upang magamit ninuman ang mga serbisyo . Para sa detalye tumawag sa tagapamahala sa munisipyo ng inyong bayan o syudad.

(2) Kumpletong medical checkup o “Ningen Dokku”

Pangalagaan natin ang ating kalusugan. Kung nais magpatingin ng kumpletong medikal checkup sa nakatalagang ospital, ang ilang porsyon ng babayaran ay sasagutin ng siyudad o bayan. Para sa detalye tumawag sa tagapamahala sa munisipyo ng inyong syudad o bayan

[Katanungan]
  • Fujimi-shi Hoken Nenkin-ka Kenkou Hoken kakari : tel.049-251-2711
  • Fujimino-shi Hoken Nenkin-ka, Iryouhi Shikyuu kakari: tel. 049-262-9042
  • Miyoshi-machi Jumin-kaHoken Nenkin-tanto : tel. 049-258-0019