5-1 Serbisyo sa Tubig
(1) Pag-request sa serbisyo ng tubig
Bago makapagsimulang gumamit ng serbisyo ng tubig, kailangang magsumite ng “abiso sa pagpasimula ng serbisyo ng tubig”, o makipag-ugnayan sa tanggapan sa pamamagitan ng electronic application, pagpadala ng abiso o pagkontak sa telepono
(2) Sa pagbayad ng singil sa tubig
Ang singil para sa tubig at sewerage ay binabasa isang beses kada dalawang buwan. Kung mayroon kang bank account, mangyaring gumamit ng direct debit. Para sa mga hindi gumagamit ng direct debit, padadalhan kayo notisya ng babayarin. Maaring kayong magbayad sa mga itinalagang lugar tulad ng bangko, convenience store, city hall (town hall) o iba pang sangay ng munisipyo.
Sa Fujimino-shi ay maaari mong gamitin ang mga serbisyo ng smartphone app para sa pagbabayad (PayPay, PayB, Shiharai Hisho, J-Coin, dPayment, auPay, LINEPay). Tandaan lamang na ang LINEPay ay magtatapos ng serbisyo sa Abril 23, 2025. Sa Miyoshi-machi (PayPay, PayB, FamiPay, pagbayad sa convenience store na serbisyo ng Rakuten Bank, au PAY, d-payment), at sa Fujimi-shi ay maaaring gamitin sa pagbabayad ang PayB, Rakuten Bank Convenience Store Payment Service, PayPay, auPAY, D-payment at Famipay.
(3) Pagpatigil sa serbisyo ng tubig
Kung kayo ay lilipat ng tirahan itawag ang pagpatigil ng tubig hanggang 5 araw bago kayo lumipat sa upisina na nakasaad sa ibaba. Maaring bayaran ang natitirang babayarin sa pamamagitan ng check account o statement of payment o cash.
[Katanungan]
- Fujimi-shi Suidou Okyakusama Center : tel.049-252-7123・7124
- Fujimino-shi Suidou Service Center : tel.049-220-2077
- Miyoshi-machi Jogesuidou Ryoukin Center : tel.049-274-1014
(4) Problema sa tubig
Kung may problema sa tubig, tumawag sa tubero na designado ng siyudad.
[Katanungan]
- Fujimi-shi Suidou-ka Kyusui tanto : tel.049-257-8976
- Fujimino-shi Jougesuidou-ka Suidou Shisetsu-kakari : 049-220-2078
- Miyoshi-machi Jougesuidou-ka Suidou Shisetsu-tanto : 049-274-1014
5-2 Elektrisidad
Para makagamit ng kuryente kailangan ninyong mag-apply sa isang electric power company. Ang pangkalahatang boltahe ng sambahayan sa lugar na ito ay 100 volts at ang frequency ay 50 Hz.
5-3 Gas
Para makagamit ng gas, kailangan ninyong mag-apply sa isang gas company. Ang mga gas na ginagamit sa area na ito ay city gas at propane gas. Kailangang siguradahin ninyo na tugma ang kagamitan o appliance sa uri ng gas.
5-4 Telepono
(1) Pagpapakabit ng linya
Magtungo sa tanggapan ng NTT para sa pagpapakabit ng telepono.
Para sa mga katanungan ukol dito, tumawag sa 166 sa wikang Hapon o sa 0120-364-463 NTT para sa information center sa wikang Ingles.
(2) Directory assistance
Para sa telephone directory, tumawag sa 104 sa wikang Hapon. May nakalaang babayaran para sa serbisyong ito.
(3) Pag-tawag sa ibang bansa o international calls
Ang pagtawag sa ibang bansa ay maaaring gawin sa dalawang paraan: direktang pagtawag(dial calls) o sa pamamagitan ng operator. Ang KDDI, NTT communications, Japan TELECOM at POWEREDCOM ay nagbibigay ng ganitong serbisyo.
(4) Paraan ng pagtawag sa ibang bansa
Para makatawag sa ibang bansa, i-dial ang tel.company code-country code-area code- at lokal na numero.
[Telephone Company Codes]
- NTT Communications : (010)
- KDDI : 001
- Japan TELECOM : 0041
- POWEREDCOM : 0081