7-1 Post office
(1) Mga klase ng domestic mails
Ang karaniwang postcard ay 85 yen, at ang karaniwang sobre (na may sukat na 9 ~ 12 cm ang lapad at 14 ~ 23.5 cm ang haba, at may kapal na hindi aabot sa 1 cm) ay nagkakahalaga ng 110 yen para sa hanggang 50 grams. Para sa iba pang detalye, mangyaring bisitahin ang website ng Japan Post.
(2) International mails
Sa pagpapadala ng postcard mula Japan sa ibang bansa ang bayad ay 100 yen pag airmail at 90 yen pag seamail, kahit saan mang bansa ipapadala ang postcard. Sa pagpapadala ng sulat o package/bagahe ay may iba’t ibang paraan kagaya ng airmail, sea mail, SAL (economic airmail), at EMS (International Express Mail). Ang babayaran sa pagpapadala ay depende sa klase ng package/bagahe, destinasyon, at bilang ng araw ng pagpapadala. Para sa iba pang detalye tingnan ang Japan Post website.
(3) Remittance sa ibang bansa
Paraan ng pagpadala ng pera sa ibang bansa via post office
ang post office ay may pamamaraan na tinatawag na “inter-account transfer” na naglalagay ng pera sa transfer account o bank account ng tatanggap na dayuhan. post office
7-2 Delivery companies
Maraming delivery companies na nagbibigay ng serbisyo ng pagpapadala sa lahat ng parte ng bansang Hapon gayundin sa ibang bansa. Depende sa laki ng bagahe, uri ng nilalaman, pagtalaga ng oras ng paghahakot at padadalhan, at iba pa. Maari ding tumawag at puntahan kayo sa bahay para kuhanin ang bagahe o kaya ay dalhin ninyo sa malapit na convenience store na may kaugnayan sa delivery company.