17-1 Kung kayo ay buntis
(1) Notipikasyon ng pagbubuntis
Magsumite ng notipikasyon ng pagbubuntis sa citizens’ affairs section sa city hall para kayo ay makatanggap ng maternal at child health handbook. Ang kondisyon ng inyong kalusugan at ng iyong anak ay nakatala sa handbook na ito. Kailangan ninyo ito tuwing ipapatingin ang inyong anak, pabakuna at iba pa.
[Katanungan]
- Fujimi-shi Kodomo Mirai Ouen Center Soumu Group : tel.049-252-3774
- Fujimino-shi Kodomo Katei Center Boshi Hoken kakari : tel.049-293-9045
- Fujimino-shilitsu Oi Kosodate Shien Center : tel.049-293-4062
- Miyoshi-machi Kodomo Shien-ka, Boshi Hoken-tanto : tel.049-258-0019
(2) Kahirapan sa pagbayad sa gastusin sa panganganak
Kung hindi kayo makakuha ng lump sum payment sa inyong health insurance para sa inyong panganganak ay maari kayong mag-apply para sa public assistance.
Sistema para sa pagpapa-ospital sa panganganak
Sa sistemang ito, ang mga buntis na hindi makapanganak sa ospital o iba pang assistance sa panganganak dahil sa pinansyal na kahirapan ay maari silang pumasok sa nakatalagang pasilidad ayon sa Child Welfare Law para sila ay makapanganak. Makakagamit ng benepisyong ito kung mababa o limitado ang inyong kita at maaring ang ibang porsyon ay kailangang bayaran ninyo. Kung tumanggap ng lump-sum payment sa health insurance ay maaring hindi kayo maging kwalipikado para sa benepisyong ito.
[Katanungan]
- Fujimi-shi Kodomo Mirai Ouen Center Kodomo Soudan Shien Group : tel.049-252-3773
17-2 Sa pagsilang ng inyong anak
(1) Rehistrasyon ng kapanganakan
Mangyaring isumite ang pagpaparehistro ng kapanganakan sa loob ng 14 na araw kasama ang araw ng kapanganakan. Kinakailangan ang pagparehistro ng kapanganakan, handbook sa kalusugan ng ina at anak, pasaporte ng mga magulang kung pareho silang dayuhan, at sertipiko ng kasal ay kailangan.
[Katanungan]
- Fujimi-shi Shimin-ka Koseki-kakari : tel.049-252-7111
- Fujimino-shi Shimin-ka Koseki kakari : tel.049-262-9016
(2) Handbook ng Sanggol (Fujimi-shi)
Makakatanggap ng baby handbook matapos iparehistro ang pagsilang. Nakatala din dito ang iba’t ibang impormasyon sa pag-aalaga ng sanggol.
[Katanungan]
- Fujimi-shi Kodomo Mirai Ouen Center Boshi Hoken Group : tel.049-252-3774
(3) Pagbisita sa bagong panganak na sanggol
Midwife o Public health nurse ay bibisita sa inyong tahanan, upang magbigay payo sa pag-aaruga ng inyong sanggol.
[Katanungan]
- Fujimi-shi Kodomo Mirai Ouen Center Soumu Group : tel.049-252-3774
(4) Pagkalahatang pagbisita sa mga tahanan ng sanggol (kawani ng health center para sa kalusugan ng mag-ina sa Fujimi-shi)
Midwife o public nurse ay bibisita sa lahat ng mga tahanan ng sanggol na may edad 3 buwan gulang (4 na buwan gulang sa Fujimino-shi) pang magbigay impormasyon sa pangkalusugan, pagpapayo sa pag-aaruga at iba pa.
[Katanungan]
- Fujimi-shi Kodomo Mirai Ouen Center Boshi Hoken Group : tel.049-252-3774
- Fujimino-shi Kodomo Katei Center Boshi Hoken kakari : tel.049-293-9045
- Miyoshi-machi Kodomo Shien-ka, Boshi Hoken-tanto : tel.049-258-0019
(5) Fujimi-shi : Programang pagbibisita at pagbibigay suporta sa mga nanay
(Target)
Mga pamilyang nakakaranas ng matinding pag-aalala o pagkabalisa tungkol sa pagbubuntis at pagpapalaki ng anak, at nangangailangan ng suporta na may kaugnayan sa pagiging magulang.
(Detalye ng suporta)
Isang pampublikong nars sa kalusugan ay bumibisita sa mga tahanan upang magbigay ng konsultasyon at payo sa pagpapalaki ng bata at ang pisikal at mental na kalusugan ng magulang o tagapag-alaga.
[Katanungan]
- Fujimi-shi Kodomo Mirai Ouen Center Kodomo Soudan Shien Group : tel.049-252-3773
(6) Proyekto ng Suporta para sa mga pamilyang may mga Anak
(Target)
Mga pamilyang nakakaranas ng matinding pag-aalala o pagkabalisa tungkol sa pagbubuntis at pagpapalaki ng anak, at nangangailangan ng suporta na may kaugnayan sa pagiging magulang.
(Detalye ng suporta)
May home helper na pupunta sa bahay at magbibigay ng tulong sa mga gawaing bahay. (May mga kundisyon tungkol sa nilalaman, dalas, at tagal ng suporta)
[Katanungan]
- Fujimi-shi Kodomo Mirai Ouen Center Kodomo Soudan Shien Group : tel. 049-252-3773
(7) Pagsusuring medikal para sa sanggol, konsultasyon
Ang mga sumusunod na pagsusuri sa kalusugan ay magagamit para sa mga sanggol at maliliit na bata: Siguraduhing bisitahin ang iyong doktor upang suriin ang kalusugan ng iyong sanggol.
Health checkup sa kalusugan ng mga bata (medikal na panayam, pisikal na pagsukat, pagsusuring medikal, pagsusuri sa pag-unlad, konsultasyon, pagsusuri sa ngipin, atbp.) para sa 4 na buwan, 12 buwan, 1 taon at 6 na buwan at 3 taong gulang na mga bata sa(Fujimi-shi), 4 na buwan, 10 buwan, 1 taon at 6 na buwang bata, at 3-taong gulang na mga bata sa (Fujimino-shi), para sa 4 na buwan, 10 buwan, 1 taon at 6 na buwan, 2 taon at 3 taong gulang na mga bata sa (Miyoshi-machi). Ang detalye at impormasyon ay ipapadala sa inyo sa koreo sa ika- 20 araw ng buwan bago ang buwan ng itatakdang panahon ng health checkup.
[Katanungan]
- Fujimi-shi Kodomo Mirai Ouen Center Boshi Hoken No.2 Group : tel.049-252-3774
- Fujimino-shi Kodomo Katei Center Boshi Hoken kakari : tel.049-293-9045
- Miyoshi-machi Kodomo Shien-ka, Boshi Hoken-tanto : tel.049-258-0019
(8) Pagpapabakuna
Para sa pagpapabakuna, may mga alintuntunin at takdang panahon kung kelan naayon magpabakuna at may pang opsyonal na pagpabakuna. Gayundin, may panahong naangkop para sa pagpabakuna laban sa klase at uri ng iba’ ibang sakit.
Karaniwan sa mga pagpabakuna ay walang bayad (subalit kung kayo ay nagpabakuna sa iba pang pagamutan liban sa takdang pagamutan,o liban sa naangkop na edad ng bata o kaya opsyonal na pagpabakuna, ito ay inyong babayaran. Sa pagpasa ng rehistrasyon ng kapanganakan sa munisipyo ng mga syudad at bayan ay makakakuha kayo ng aplikasyon para sa pagpa- eksamen bago magpabakuna ang sanggol.
Ayon sa alintuntunin ng pagpabakuna, ang pagtukoy sa angkop na edad ay ang panahon bago sumapit ang kaarawan ng bata (halimbawa: ang angkop na edad ay wala pang 2 taong gulang, ang pagpabakuna ay dapat bago sumapit ang kanyang kaarawan o hanggang isang araw bago ang kaarawan. At kung magpapabakuna sa araw ng kaarawan, ito ay babayaran na ninyo.
(A) Indibidual na pagpapabakuna ng mga sanggol at maliliit na bata
〇 Rotavirus
- Ang pagpabakuna ng monovalent vaccine (Rotarix) para sa mga sanggol na may 6 na linggo ~ 24 na linggo mula ng kapanganakan ay ibinibigay 2 beses na may pagitan ng 27 araw o higit pa.
- Ang pagpabakuna ng pentavalent vaccine (Rotarix) para sa mga sanggol na may 6 na lingo ~ 32 na lingo mula ng kapanganakan ay ibinibigay 3 beses na may pagitan ng 27 araw o higit pa.
* Inirerekumenda ang pagbibigay ng alinmang bakuna na hangga’t maari ang ika-unang bakuna ay gawin mula 2 buwan ~ 14 na linggo at 6 na araw mula sa araw ng kapanganakan.
〇 Pentavalent Combination
Mga batang may edad na 2 buwan hanggang bago sila tumuntong ng 7 taon at 6 buwan:
- Paunang serye: Tatlong dosis na ibinibigay sa panahong hindi bababa sa 20 araw na pagitan, karaniwan ay hanggang 56 na araw na pagitan.
- Karagdagang dosis: Isang dosis na ibinibigay sa panahong hindi bababa sa 6 na buwan pagkatapos ng unang serye, karaniwang hanggang 18 buwan.
〇 Hib vaccine (hindi na kailangan kung tumanggap na ng pentavalent vaccine)
Edad ng bata : 2 buwan hanggang bago mag 5 taong gulang
Dalas ng kailangang pagbabakuna ay depende sa edad ng bata.
<Iskedyul ng Pagbabakuna>
- Pagbabakuna (regular na iskedyul) para sa sanggol na 2 buwan~wala pang 7-buwan gulang : 4 na beses na pagbabakuna (dapat ay may pagitan ng 27 araw o higit pa pero huwag lalagpas ng 56 araw. Ika-4 na bakuna ay sa ika- 7 buwan ~ 13 buwan na edad ng bata. Para sa ika-2 at ika-3 na bakuna dapat ay bago mag-1 taon ang bata. Kung hindi naihabol sa tamang edad, hayaan na lamang. (o maari ding pabakunahan)
- Mula 7-buwan ~ bago mag-1 taon: 3 beses (para sa ika- 2 bakuna , dapat ay may pagitan ng 27 araw o higit pa hanggang 56 araw. Ika-3 na bakuna ay mula 7 buwan ~ 13 na buwan na pagitan. Subalit ang ika-2 bakuna ay dapat bago mag 1 taon ang bata. Kung hindi naihabol sa tamang edad, hayaan na lamang. (o maari ding pabakunahan)
- Bakuna para sa 1 taon ~ bago mag 5 taong gulang: isang beses na pagbabakuna
〇 Hepatitis B
Target na Edad : Bago mag 1 taon gulang. Tatlong beses na pagpabakuna. Kalimitan ay sa edad na 2 buwan hanggang 9 na buwan ang pagpabakuna. Ang ika-1 bakuna at ika-2 bakuna ay dapat may pagitang 27 araw o higit pa. Ang ika-3 bakuna ay may pagitang 139 araw o higit pa pagkalipas ng ika-unang bakuna.
〇 Pneumococcal bakuna para sa bata
Target na Edad: dalawang buwan ~ bago mag 5 taong gulang
Bilang ng mga kinakailangang pagbabakuna ay depende sa edad
<Iskdyul ng Pagbabakuna>
- Para sa 2 buwan~mas mababa sa ika-7 buwan gulang : 4 beses na pagbabakuna (bakuna ng 3 beses ay dapat may pagitan ng 27 araw o higit pa ayon sa pangkaraniwang pag- pabakuna sa 1 taong gulang). Ika 4 na bakuna ay sa edad na1 taon ~ 1 taon at 3 buwan, dapat ay 60 araw pagkatapos ng ika-3 bakuna. Subalit ang ika-2 at ika-3 bakuna ay dapat bago mag 2 taon gulang ang bata at kung hindi naihabol sa tamang edad, hayaan na lamang. Kung magpapabakuna ng ika-2 bakuna pagkalagpas ng 1 taon gulang ang edad, huwag nang magpabakuna ng ika-3 bakuna. ( o maari ding pabakunahan.
- 7 buwan〜mas mababa sa isang taong gulang: 3 beses na pagbabakuna ( 2 bakuna ay dapat may pagitan na 27 araw o higit pa ayon sa pangkaraniwang pagpabakuna sa 1 taong gulang). Ika-3 bakuna ay sa edad na 1 taon gulang ~ , at 60 araw pagkatapos ng ika 2 bakuna. Subalit ang ika-2 bakuna ay dapat bago mag 2 taon gulang pero kung hindi naihabol sa tamang edad, hayaan na lamang.
- 1 taong gulang ~ mas mababa sa 2 taong gulang: 2 beses na pagpapabakuna (dapat ay may pagitan na higit pa sa 60 araw pagkatapos ng unang bakuna)
- 2 taong gulang ~ bago mag 5 taong gulang: isang beses na pagpapabakuna
〇 DPT− IPV (Diphtheria, Pertussis and Tetanus−Inactivated polio vaccine)
Mula 2buwan hanggang bago mag 7 taon at 6 buwan :
- Sa ika-1 termino : 20 araw o higit pa, sa pang-karaniwan ay 3 beses na may pagitan ng hanggang 56 na araw.
- Adisyonal na pagpabakuna pagkatapos ng unang termino : 6 na buwan o higit pa pagkatapos ng unang bakuna, karaniwan ay isang beses sa pagitan ng 1 taon at 1 at kalahating taon.
〇 BCG
Edad ng bata: bago mag 1 taong gulang. Isang beses na bakuna.
〇 Measles, Measles Rubella mixed
Sa ika-1 termino ng bakuna : 1 taon hanggang bago mag- 2 taon, isang beses.
Sa ika-2 termino ng bakuna : sa loob ng isang taon bago pumasok sa elementarya, isang beses na pagbakuna.
〇 Chickenpox (Varicella)
Edad ng bata : 1 taon ~ 3 taon gulang.
Pagpapabakuna : 2 beses na may pagitan ng 3 buwan o higit pa o sa standard na bakuna, 6 na buwan hanggang 1 taon.
* Kapag nagkaroon na ng chicken pox ay hindi na kailangang magpabakuna.
〇 Japanese encephalitis (Unang termino)
Mga batang may edad: 6 na buwan hanggang bago mag 7 at kalahating taong gulang. (nirerekomenda sa edad na 3 taong gulang pataas) Bilang ng papabakuna ay tatlong beses.
- Ika-1 termino ay 2 beses, (may pagitan ng 6 araw o higit pa pero sa pangkaraniwan ay hanggang 28 na araw)
- Adisyonal na pagpabakuna pagkatapos ng unang termino: 1 beses (6 na buwan o higit pa pagkatapos ng unang bakuna, karaniwan ay sa pagitan ng humigit-kumulang 1 taon).
(B) Pagpapakuna ng mga bata sa elementarya, junior at senior high school
〇 Japanese encephalitis (Pangalawang termino)
- Edad ng bata: 9 taon gulang ~ bago mag ika-13 taon gulang.
Isang beses na pagpabakuna. Sa iba pang mga bata na maaring ang bilang ng pagpapabakuna ay hindi sapat para sa kanila, tingnan sa maternal and child health book (boshi techo) at kumunsulta sa duktor. - Mga batang ipinanganak mula Abril 2, 2005 hanggang Abril 1, 2007.
Maaring magpabakuna ng kakulangan sa 4 na beses ng bakuna, normal na interval bago tumuntong ng ika- 20 taong gulang.
〇 Diphtheria at tetanus
Edad ng bata: 11 taon gulang ~ bago mag 13 taon gulang.
Isang beses na pagpabakuna.
〇 HPV vaccine (prebensyon sa human papillomavirus infection)
* Noong Nobyembre 26, 2021 ang aktibong pagrekomenda ng pag-iwas ng pagbabakuna nito ay inalis sa pamamagitan ng abiso ng Ministry of Health, Labor and Welfare.
2~3 na dosis ng bakuna ang ibinibigay sa mga batang babae na nasa pagitan ng ika-6 na baitang sa elementarya at unang baitang sa high school. Meron 2 uri ng bakuna at ang interbal ng bakuna ay depende sa uri ng bakuna.
Siguraduhing parehong bakuna ang tatanggapin.
- Bivalent vaccine (cervarix)
Iskedyul ng bakuna : 2 bakuna sa interbal na 1 buwan (sa pangkaraniwan) at ang ika-3 na bakuna sa interbal na 6 na buwan pagkatapos ng huling pagpabakuna. - Quadrivalent vaccine (gardasil)
Iskedyul ng bakuna: 2 bakuna sa interbal na 2 buwan at ang ika-3 na bakuna sa interbal na 6 na buwan pagkatapos ng huling pagpabakuna. - Kung ang unang dosis ng 9-valent na bakuna (Sylgard 9) ay natanggap bago tumuntong ng 15 taong gulang, ang susunod na bakuna ay dapat ibigay ng 2 beses sa pagitan ng 6 na buwan. Kung ang unang pagbabakuna ay ibinigay pagkatapos ng edad na 15, ang pamantayan ay ang pagbibigay ng 2 pagbabakuna sa pagitan ng dalawang buwan at pagkatapos ay isang pagbabakuna anim na buwan pagkatapos ng unang pagpabakuna.
- Mayroong catch-up para sa mga hindi nakapagpa-bakuna sa panahong aktibong nirerekomenda ang pag-iwas sa nasabing bakuna. Para sa detalye kontakin lamang ang inyong city hall o town hall.
(C) Kailan hindi pwedeng bakunahan ang bata?
Ang bata ay hindi maaring magpabakuna sa mga dahilang : Pag may sinat mula 37.5 ℃, may malubhang sakit, o mayroon anaphylactic hypersensitivity.
(D)At iba pa
Kung hindi nakapagpa-bakuna dahilan sa mahabang pagpapagamot at pagpapagaling tulad ng leukemia, maari po lamang na makipag-ugnayan sa inyong health center.
[Katanungan]
- Fujimi-shi Kenkou Zoushin Center : tel. 049-252-3771
- Fujimino-shi Hoken Center Kenko-Suishin kakari: Tel. 049-264-8292
- Miyoshi-machi Kenkou Suishin- tanto : tel.049-258-0019
17-3 Allowance at suporta
(1) Allowance para sa pangangalaga ng mga bata
Ang mga karapat-dapat ay pangunahing mga indibidwal na nakalista sa talaan ng mga residente na nagpapalaki ng mga bata hanggang sa unang Marso 31 pagkatapos nilang maging 18 taong gulang. Kailangang ang bata at magulang o tagapag-alaga ay magkasamang namumuhay bilang isang sambahayan.
[Katanungan]
- Fujimi-shi Kosodate Shien-ka Teate Iryou Group : tel. 049-252-7104
- Fujimino-shi Kosodate Shien-ka Kosodate Shien kakari : tel.049-262-9041
- Miyoshi-machi Kodomo Shien-ka Jido Fukushi tanto: tel.049-258-0019
(2) Allowance para sa gastusing medikal ng mga bata
Sa prinsipyo, ang subsidy ay ibinibigay para sa bahagyang insurance ng pangangalagang medikal (kabahagi sa pagbayad) para sa mga bata hanggang tumuntong ng 18 taong gulang hanggang ika-31 araw ng unang Marso at nakalista sa resident registration card at may medical insurance.
[Katanungan]
- Fujimi-shi Kosodate Shien-ka Teate Iryou group : tel. 049-252-7104
- Fujimino-shi Kosodate Shien-ka Kosodate Shien kakari : tel.049-262-9041
- Miyoshi-machi Kodomo Shien-ka Jidou Fukushi- tanto : tel. 049-258-0019
(3) Pagbibigay suporta para sa gastusing medikal ng mga pamilyang isa ang magulang, at iba pa
Para sa mga ina, ama, tagapag-alaga at kanilang mga anak na may edad 18 taon gulang hanggang ika-31araw ng unang Marso (kung ang bata ay may kapansanan hanggang bago tumuntong ng edad 20 taon gulang). Bilang pangkalahatang tuntunin, ang kinikita ng taong nakalista sa card ng residente ay dapat mas mababa sa limitasyon ng kita at may sigurong medikal. Ang porsyon na sasagutin nila sa babayarin sa medikal na pagpapagamot sa insurance ay karapat-dapat para sa subsidy.
Ang bahagyang insurance sa medikal na pagpagamot (kabahagi sa pagbabayad) ay sakop ng subsidy.
[Katanungan]
- Fujimi-shi Kosodate Shien-ka Teate Iryou group : tel. 049-252-7104
- Fujimino-shi Kosodate Shien-ka Kosodate Shien kakari : tel.049-262-9041
- Miyoshi-machi Kodomo Shien-ka Jidou Fukushi- tanto : tel. 049-258-0019
(4) Allowance para sa gastusing medikal para sa may malubhang kapansanan
Ito ay isang sistema para mabigyan ng subsidy ang porsyon ng medikal na gastusin na binabayaran ng mga taong may kapansanan na sakop ng health insurance (hindi kasama ang gastos sa pagpapaospital para sa mga psychiatric bed ng mga taong may Mental Disability Health and Welfare Handbook Level 1).
Ang mga karapat-dapat na tao ay sinumang wala pang 65 taong gulang na may malubhang kapansanan. Hindi kasama ang mga tao na tumatanggap ng pampublikong tulong.
<Mga taong may malubhang pisikal at mental na kapansanan>
- Sertipikasyon ng Lebel ng kapansanan 1,2, o 3
- Saitama Pref. Medical HandbookⒶ, A o B
- Sertipikasyon ng “psychiatric disorder level 1”
- Mga inaprobahang may kapansanan ayon sa sistema ng pang-medikal para sa matatanda
* Kung ang iyong income o kita ay mas malaki kesa sa itinakdang minimum hindi ka makakatanggap ng suporta. Ang pagsusuri ay ayon sa kung ang aplikasyon para sa suporta ay ipinasa sa pagitan ng Enero ~ Septiembre at ang iyong kinita noong magkasunod na dalawang nakaraang taon.
* Kung nagpasa ng aplikasyon sa pagitan ng Oktubre ~ Disyembre, susuriin ang iyong kinita mula ng nakaraang isang taon.
[Katanungan]
- Fujimi-shi Shougai Fukushi-ka Kyuuhu-kakari: tel. 049-257-6114
- Fujimino-shi Shougai Fukushi-ka Shomu-kakari : tel. 049-262-9031
- Miyoshi-machi Fukushi-ka Fukushi Shomu-tanto : tel. 049-258-0019 (ext. 178)
(5) Allowance para sa gastusing medikal para sa pagpaigi ng kondisyon ng kapansanan
Maaring makakuha ng subsidy (o suporta para sa ilang porsyon ng gastusin) para sa inyong anak na may kapansanan na wala pang 18 taong gulang, kung mapapatunayan na ang pagpapagamot o pagpapa-opera ay nakapag-paigi sa kondisyon ng bata para sya ay makapamuhay ng halos kagaya ng isang normal na bata. Gayunnpaman may mga alintuntunin at antas na dapat masunod, at may mga nakatalagang medikal institusyon. Sumangguni lamang sa city hall.
[Katanungan]
- Fujimi-shi Shougai Fukushi-ka Soudan Shien-kakari : tel. 049-252-7101,049-252-7106
- Fujimino-shi Shougai Fukushi-ka Shougai Fukushi-kakari : tel. 049-262-9032
- Miyoshi-machi Fukushi-ka Fukushi Shien-tanto : tel. 049-258-0019 (ext. 172・175)
(6) Allowance para sa pangangalaga ng bata
Kung walang ina o kaya ama, o kaya ang ina o ama ay may kapansanan at nag-aaruga ng anak na wala pang 18 taon gulang o tumuntong ng ika-18 na kaarawan hanggang ika-31araw ng unang Marso (para sa anak na may kapansanan, wala pang 20 taon gulang) ay makakatanggap ng suporta na ito. Kailangan ay nakalista kayo sa resident registration ayon sa alintuntunin at ang inyong kita ay hindi hihigit sa pinakamababang sahod o braket ng suweldo.
[Katanungan]
- Fujimi-shi Kosodate Shien-ka Teate Iryou Group : tel. 049-252-7104
- Fujimino-shi Kosodate Shien-ka Kosodate Shien kakari : tel.049-262-9041
- Miyoshi-machi Kodomo Shien-ka Jidou Fukushi-tanto : tel. 049-258-0019
(7) Espesyal na allowance para sa pangangalaga ng bata
Para sa mga ama / ina o tagapag-alaga ng mga bata na wala pang 20 taong gulang na may katamtaman hanggang sa matinding kapansanan sa pisikal, intelektwal at kaisipan. Mayroong limitasyon sa kita at nakasaad ito sa card ng residente ayon sa prinsipyo.
[Katanungan]
- Fujimi-shi Shougai Fukushi-ka kyuhu-kakari : tel. 049-257-6114
- Fujimino-shi Shougai Fukushi-ka Shomu-kakari : tel. 049-262-9031
- Miyoshi-machi Fukushi-ka Fukushi Shomu tanto : tel. 049-258-0019 (ext. 176)
(8) Medical allowance para sa “premature baby”
Kung ang inyong anak na “premature baby”, ayon sa payo ng duktor, ay ipinasok sa designadong ospital, maari kayong makatanggap ng allowance (suporta para sa ilang porsyon ng gastusin). Maari lamang na komunsulta sa munisipyo o city hall.
[Katanungan]
- Fujimi-shi Kodomo Mirai Ouen Center Soumu Group : tel.049-252-3774
- Fujimino-shi Kodomo Katei Center Boshi Hoken kakari : tel. 049-293-9045
- Miyoshi-machi Kodomo Shien-ka, Boshi Hoken-tanto : tel. 049-258-0019
(9) Suporta para sa gastusin kagaya ng sterility tests
Ang mga mag-asawa na nahihirapan sa malaking gastusin sa pagpapagamot ng infertility o hindi pagbubuntis, gastusin para sa sterility tests, gayundin kung nahihirapan na magkaroon ng kaaya-ayang kapaligiran para maging matagumpay ang pagbubuntis, ay makakakuha sila ng suportang pinansyal para sa infertility at sterility tests na mga gastusin. Para sa detalye kontakin lamang ang tanggapan.
[Katanungan]
- Fujimi-shi Kodomo Mirai Ouen Center Soumu Group : tel.049-252-3774
- Fujimino-shi Hoken Center Kenko Suishin kakari : tel. 049-264-8292
- Miyoshi-machi Kodomo Shien-ka, Boshi Hoken-tanto : tel. 049-258-0019
(10) Ang mga benepisyo sa suporta para sa mga buntis na kababaihan (hanggang sa piskal na taon ng 2024, “Mga Benepisyo sa Suporta sa Pagsilang at Pangangalaga ng Bata”)
Ay ibibigay sa mga buntis na kababaihan upang sila ay magkaroon ng konsultasyon sa mga pampublikong nars, midwife, o mga tagapagtaguyod ng kalusugan ng ina at bata sa panahon ng abiso sa pagbubuntis o mga programa sa pagbisita sa bahay para sa mga pamilyang may mga sanggol at maliliit na bata. Para sa iba pang detalye, mangyaring makipag-ugnayan sa iyong lokal na tanggapan ng lungsod o bayan.
[Katanungan]
- Fujimi-shi Kodomo Mirai Ouen Center Soumu Group : tel. 049-252-3774
- Fujimino-shi Kodomo Katei Center Boshi Hoken kakari : tel. 049-293-9045
- Miyoshi-machi Kodomo Shien-ka, Boshi Hoken Tanto : tel. 049-258-0019
17-4 Day Care Center (Nursery schools)
Kung hindi ninyo mabigyan ng pangangalaga ang inyong anak dahil sa trabaho, pagkakasakit at iba pa, ay maaring ninyong ipasok at ipa-alaga sa day care center. Ang pampublikong nurseries at pribadong nurseries sa 2 siyudad at 1 bayan ay makikita sa talaan ng Public Facilities Section. May ibang mga nurseries na tumatanggap ng pansamantalang pagpa-alaga. Kung may kailangang puntahan at hindi maisama ang bata ang serbisyo ng pansamantalang pagpa-alaga ng iyong anak ay maaring magamit.
(1) Mga kwalipikadong bata
Mga preschooler na bata na may edad 2 buwan paitaas. May pagkakaiba ang mga kondisyones depende sa day care center .
(2) Bayad sa pagpa-alaga
Ang bayad sa pagpa-alaga ng mga bata na may edad 0 ~ 2 taong gulang ay ibinabase sa ipinataw na buwis sa kita ng sambahayan (per-citizen income tax). Ang pagpa-alaga sa mga batang nasa klase na may edad 3~5 taong gulang ay walang bayad (0 yen). Gayunpaman, ang pagkain ng mga batang 3~5 taong gulang ay babayaran ng magulang gayundin ang pagpa-alaga ng mas mahabang oras.
(3) Aplikasyon
May pagkakaiba ang petsa ng pag-apply depende sa syudad. Ang aplikasyon para sa susunod na fiscal year (pasukan sa Abril) ay kailangang isumite ng maaga simula Nobyembre hanggang kalagitnaan ng Disyembre. Kung ipapasok sa kalagitnaan ng kasalukuyang taon, kailangang mag-aply sa ika-10 o 15 araw ng nakaraang buwan. Kailangang titingnan at mag-aantay kung kelan may bakante sa day care center .
[Katanungan]
- Fujimi-shi Hoiku-ka Hoiku-kakari : tel.049-252-7105
- Fujimino-shi Hoiku-ka Hoiku-kakari : tel 049-262-9035
- Miyoshi-machi Kodomo Shien-ka Hoiku-tanto : tel.049-258-0019
17-5 Family Support Center
Maaari kang tumanggap ng tulong para sa pagdala at sa pagsundo ng iyong anak sa daycare center o kindergarten, gayundin ang pangangalaga bago at pagkatapos ng klase. Bukod pa rito, maari ding tumanggap ng suporta para sa mga magulang na may kailangang lakarin o gawin o mayroong sakit. Ito ay isang sistema kung saan ang mga nangangailangan ng tulong sa pag-aalaga ng bata (paghiling ng mga miyembro) at ang mga nais tumulong (pagbibigay suporta ng mga miyembro) ay nagiging miyembro at sumusuporta sa isa’t isa sa pagpapalaki ng mga bata sa loob ng komunidad. Kinakailangan ang pagpaparehistro upang magamit ang serbisyong ito. Para sa detalye at paraan ng pagparehistro at mga halaga ng kabayaran, mangyaring makipag-ugnayan sa Family Support Center.
[Katanungan]
- Fujimi-shi (sa Kodomo Mirai Ouen Center) : tel.049-251-3337
- Fujimino-shi (sa Higashi Jido Center) : tel.049-262-1135
- Miyoshi-machi (sa Kosodate Shien Center): tel. 049-258-0075
Negosyong pang-emerhensiyang suporta para sa mga batang may sakit at pagkatapos ng sakit
Ang sistemang ito ay para mga taong nais tumanggap ng tulong sa pangangalaga ng mga maysakit o may kapinsalaang mga bata, mga nangangailangan ng magdamag na pangangalaga, pangangalagang pang-emerhensiya, transportasyon, atbp. (mga gumagamit ng serbisyo) ay maaaring magkasundo sa isa’t isa sa mga gustong sumali sa mga aktibidad ng tulong (mga miyembro ng suporta). Kinakailangan ang pagpaparehistro upang magamit ang serbisyo. Mangyaring makipag-ugnayan sa Emergency Support Center Saitama para sa mga detalye sa pagpaparehistro at mga bayarin.
[Katanungan]
- Emergency support center ng Saitama : tel.048-297-2903
17-6 Kosodateshien center (Center para sa pangangalaga ng bata)
Ang pasilidad na ito ay bukas para sa mga magulang na nag-aaruga ng kanilang mga anak, para sa pakikipagpalitan ng impormasyon, o para sa pakikipag-kaibigan . Nagbibigay din ng pagpapayo upang sagutin ang ilang problema o kaguluhan sa pag-aaruga. Para sa detalye tulad ng oras ng bukas, makipag-ugnayan sa Kosodate-shien center.
[Katanungan]
Fujimi-shi
- Fujimi-shiritsu Kosodate Shien Center [Pippi] : tel.049-251-3005
- Fujimino nursery school kosodate shien center “Nikoniko Hiroba” : tel. 049-256-8862
- Kobato nursery school kosodate shien center “Hatopoppo” : tel. 049-256-9351
- Katsuse Kobato nursery school kosodate shien center “Nobi Nobi” : tel. 049-263-8800
- Keyaki-kodomoen kosodate shien center “Keyakikko” : tel. 049-268-7255
- Kodomo no Sono Baby Nursery School kosodate shien center “Sakuranbo” : tel. 049-261-7077
- Harigaya Nursery School kosodate shien center “Happy” : tel. 049-275-0077
- Fujimi Sukusuku Nursery School Childcare Support Center “Ki-chan Hiroba” : tel. 090-9442-6517
- Fujimi Renge Kodomoen kosodate shien center “Ohisama” : tel. 049-275-0138
- Nursery School ☆ SUKUSUKU kosodate shien center “Suu-chan” : tel. 090-9442-4899
- Izumino Mori Fujimi Kosodate Shien Center Izumino Mori : tel. 070-3777-8604
Fujimino-shi
- Fujimino-shiritsu Uenodai Kosodate Shien Center : tel.049-256-8623
- Fujimino-shiritsu Ooi Kosodate Shien Center: tel.049-293-4062
- Fujimino-shiritsu Kasumigaoka Kosodate Shien Center : tel.049-269-4252
- Fujimino-shiritsu Kosodate Shien Fureai Hiroba : tel.049-261-0611
- Kazenosato Kosodate Shien Center : tel.049-263-8388
- Tsurugaoka Smile Hoikuen Kosodate Shien Center : tel.049-265-5123
- Fujimino Doronko Hoiku-en Chikin Egg : tel. 049-257-4162
- Fujimino Kapira Hoikuen Kosodate Shien Center : tel.049-256-9091
- Fujimino Kapira Hoikuen Kosodate Shien Center : tel.049-256-9091
Miyoshi-machi
- Miyoshi-Chouritsu Kosodate Shien Center : tel.049-258-5106
- Kuwanomi Miyoshi Hoikuen Kosodate Shien Center : tel.049-257-1051
- Miyoshi Genki Hoikuen Kosodate Shien Center : tel.049-257-1101
- Kosuzu Youchien Kosodate Shien Center : tel.070-3351-8637
17-7 Hokago Jido club, Jido-kan, Jido Center
(1) Hokago Jido club (Gakudo hoikushitsu)
Hokago Jido clubs ay mga pampublikong pasilidad kung saan ang mga bata sa elementarya ay maaaring tumuloy pagkatapos ng eskuwela o tuwing summer vacation o kung wala pa ang mga magulang sa bahay.
Mayroong 27 after-school children’s club sa Fujimi-shi, 20 after-school children’s club sa Fujimino-shi, at 7 after-school care room sa Miyoshi-machi. Kinakailangan ng aplikasyon para makapasok sa mga club na ito.
[Katanungan]
- Fujimi-shi Hoiku-ka Houkago Jidou-kakari : tel.049-252-7136
- Fujimino-shi Kosodate Shien-ka Kosodate Shien-kakari : tel.049-262-9033
- Miyoshi-machi Kodomo Shien-ka Hoiku-tanto : tel.049-258-0019
(2)Jido- kan, Jido Center
Ang mga pasilidad na ito ay para sa ikalalago ng kaalamang aktual at pisikal (hands-on learning) ng mga bata, at para magkaroon sila ng mga kaibigan sa mga group activities at iba pa. Mayroong 3 na Jido kan sa Fujimi-shi; 2 Jido centers sa Fujimino-shi at 3 na Jido kan sa Miyoshi-machi.
Para sa mga katanungan tungkol sa mga chidren’s hall at children’s center, mangyaring sumangguni sa pahina ng gabay sa mga pasilidad.