13-1 Ang Sistema ng National Pension
Lahat ng may edad na 20 paitaas subalit wala pang 60 taon gulang na naninirahan sa Japan, kasama ang mga dayuhang residente, ay kailangang magparehistro para sa pampublikong sistema ng pension. Para sa mga hindi naka-enrol sa ibang mga pension plans (hal. Ang Employees’ Pension Insurance ) ay kailangang magrehistro para sa National Pension Plan.
13-2 Paraan ng pagbayad ng National Pension Premium
Ang inyong babayarang national pension premiums ay ipapadala ng Japan pension service. Dalhin ang resibo sa bangko o ipa pang institusyon pinansyal para mabayaran ang premium.
13-3 Mga klase at benepisyo ng Pension Plan
May basic pension para sa mga matatanda, para sa mga may kapansanan at “bereavement basic pension” (ang mga naiwang miyembro ng pamilya ay makakatanggap ng pension kung ang subscriber ay binawian ng buhay).
13-4 Ibinabalik na sumatotal na kabayaran
Para makatanggap ng pension, kailangang ang subscriber ay nakabayad ng 10 taon o higit pa . Para sa mga dayuhan na hindi naka-abot ng takdang kabayaran at nais bumalik sa sariling bansa, matatanggap ang buong halagang kabayaran kung ito ay ia-apply sa loob ng 2 taon pag-alis ng bansang Hapon.
13-5 Social security agreement ng bansang Hapon at ibang bansa
Mayroong bilateral social security agreements ang Japan at ang mga bansang sumusunod: Germany, United Kingdom, Korea, United States, Belgium, France, Canada, Australia, Netherlands, Czech Republic, Spain, Ireland, Brazil, Switzerland, Hungary, India, Luxembourg, Philippines, Slovakia, China, Finland, Sweden at Italy.
Para sa detalye makipag-ugnayan sa tanggapan ng pensyon.
[Katanungan tungkol sa pensyon]
- Fujimi-shi Hoken-Nenkin-ka Nenkin-kakari : tel.049-251-2711
- Fujimino-shi Hoken-Nenkin-ka Hoken-Nenkin-kakari : tel. 049-262-9020
- Miyoshi-machi Jumin-ka Hoken Nenkin-tanto : tel.049-258-0019
- Homepage ng Japan nenkin-kikou