11-1 Sino ang maaaring magtrabaho
Ang mga banyagang residente ay maaaring mamasukan sa Japan kung ang kanilang status of residence ay nagpapahintulot nito. Gayunpaman, ayon sa kanilang visa o status of residence ay maaring may limitasyon sa kanilang mapapasukang trabaho.
Batay sa permanenteng residente, asawa ng isang Japanese National, asawa ng isang Permanent Resident, at Long Term Resident (Indo-Chinese refugees na tinanggap para sa paninirahan, mga 3rd generation Japanese, atpb), walang limitasyong binibigay ang Immigration control Act at maaari silang magtrabaho sa anumang linya.
Hindi kayo maaaring mamasukan sa Japan kung ang inyong status of residence ay : Cultural Activities, temporary visitor, University student, Pre-college Student, Trainee, family o dependent visa.
11-2 Paghahanap ng Trabaho
Public Employment Security Offices (Hello Work)
Ang Public Employment Security Offices (Hello Work) ay nagbibigay ng maraming serbisyo para sa mga banyagang residente na maaaring mamasukan. Ang Hello Work ay naglalaan ng mga trabaho, pagkunsulta ukol sa trabaho, proseso ng pagtanggap ng benepisyo sa insurance sa pansamantalang walang trabaho, at pagpapakilala sa pampublikong programa sa pasasanay sa trabaho. Pumunta sa pinakamalapit na Public Employment Security Office para mag-aply sa trabaho o para sa dagdag na impormasyon.
[Katanungan]
- Fujimino-shi Furusato Hello Work:tel.049-266-0200
- Hello Work Kawagoe:tel.049-242-0197
- Hello Work Tokorozawa:tel.04-2992-8609