Japanese Chinese Korean English Portuguese Tagalog Vietnamese
19 Health checkups para sa mga adults
Living Guide Top
Tagalog Top
1Sistema ng residency management
2 Sistema ng family registry
3 Rehistrasyon ng Selyo o Seal
4 Pabahay
5 Tubig, Gas, Elektrisidad at Telepono
6 Pagtatapon ng Basura
7 Post Office at Delivery Companies
8 Banko
9 Trapiko
10 Buwis
11 Trabaho
12 National Health Insurance
13 National Pension Plan
14 Asosasyon ng mga magkakapitbahay
15 Pag-iwas sa Kalamidad, Apoy at Emergency
16 Aksidente sa kalye
17 Pangangalaga ng bata
18 Welfare
19 Health checkups para sa mga adults
20 Edukasyon
21 Impormasyong Medikal
22 Konsultasyon at Pagpapayoo
Pasilidad
23 City/Town Halls at iba pang mga pampublikong pasilidad
24 Mga paaralan at mga institusyong pang-edukasyon
25 Iba pang mga pampublikong pasilidad
26 Refuge (Shelter)
27 Mga Klinika at Ospital


Ang siyudad o town hall ay may mga programang pangkalusugan na nagpapalaganap ng mga health checkups para sa mga adults. Ang Fujimino-shi at Miyoshi-machi ay naghahanda ng taunang kalendaryo para sa health care at ipinapadala sa bawat tahanan tuwing Marso ~ Abril ng taon. Sa Fujimi-shi mababasa ito sa city bulletin, isyu para sa buwan ng Mayo ng “Koho Fujimi”. Kung hindi kayo nakatanggap, maaari ding makakuha ng kalendaryo at city bulletin sa public health center, sa city hall o town hall, o sa mga sanggay na upisina.

Sa gastusin sa pag papasuri ay nagkakaiba sa bawat bayan o lungsod, maaring makipag-ugnayan sa nakatalaga sa sekyon na naayon dito.


Japanese Chinese Korean English Portuguese Tagalog Vietnamese

19-1 Indibidyual na medical checkups

Magpa-medical check-up sa mga designadong ospital o klinika ng mga siyudad o bayan sa takdang panahon. Para sa detalye tumawag o magsadya sa tagapamahalang seksyon sa city hall.
  1. Pagsusuri sa lung cancer at colon cancer : para sa mga may edad 40 pataas.
  2. Pagsusuri sa gastric cancer (endoscopy checkup) : 50 taong gulang pataas ( batay sa buwan ng kapangangakan na itinatalaga kada fiscal year)
  3. Pagsusuri sa cervical carcinoma : para sa mga babae, edad 20 taong gulang pataas (batay sa buwan ng kapanganakan na itinalaga kada fiscal year)
  4. Indibidual na pagpasuri para sa breast cancer : may libreng kupon kung kayo ay naangkop.
  5. Pagsusuri sa gastric cancer risk(ABCD test): para sa mga may edad na 40 taong gulang sa loob ng kasalukuyang fiscal year.
  6. Pagsusuri ng glaucoma
    Mangyaring gawin ang pagpapasuri sa institusyong medikal sa bawat lungsod / bayan sa itatakdang panahon ng pagsusuri. Para sa detalye, makipag-ugnayan sa seksyong namamahala sa iyong lungsod o bayan.
    Ang mga magiging 46 o 56 taong gulang sa loob ng fiscal year ng bawat taon ay karapat-dapat para sa pagsusuri. Padadalhan ng postcard ang mga karapat-dapat.
  7. Dental checkup para sa adults ( periodontal prevention checkup):kwalipikasyon sa edad ay depende sa siyudad/bayan.
* Para sa pagsusuring medikal ng hepatitis virus magtanong lamang sa tanggapan.

* Libreng kupon ng pagpapasuri para sa “breast”, “cervical” at “colon” cancer checkup ay ipapadala ng mga munisipyo sa mga residenteng kasama sa nararapat na edad para sa checkup.
Para sa detalye tingnan sa nakalakip na notisya na ipinadala kasama pa ng ibang porma para sa checkup.

Japanese Chinese Korean English Portuguese Tagalog Vietnamese

19-2 Group checkups

Sa ibang bayan at lunsod, kanser sa tiyan, suso at kanser sa prostate ay kasama sa pag-susuri. Tumawag sa tanggapan para sa mga detalye.

[Katanungan]
  • Fujimi-shi Kenkou Zoushin Center:tel.049-252-3771
  • Fujimino-shi Hoken Center Kenkou Yobou-kakari: 049-262-9040
  • Miyoshi-machi Kenkou Suishin- tanto:tel.049-258-0019