Japanese Chinese Korean English Portuguese Tagalog Vietnamese
11 Trabaho
Living Guide Top
Tagalog Top
1Sistema ng residency management
2 Sistema ng family registry
3 Rehistrasyon ng Selyo o Seal
4 Pabahay
5 Tubig, Gas, Elektrisidad at Telepono
6 Pagtatapon ng Basura
7 Post Office at Delivery Companies
8 Banko
9 Trapiko
10 Buwis
11 Trabaho
12 National Health Insurance
13 National Pension Plan
14 Asosasyon ng mga magkakapitbahay
15 Pag-iwas sa Kalamidad, Apoy at Emergency
16 Aksidente sa kalye
17 Pangangalaga ng bata
18 Welfare
19 Health checkups para sa mga adults
20 Edukasyon
21 Impormasyong Medikal
22 Konsultasyon at Pagpapayo
Pasilidad
23 City/Town Halls at iba pang mga pampublikong pasilidad
24 Mga paaralan at mga institusyong pang-edukasyon
25 Iba pang mga pampublikong pasilidad
26 Refuge (Shelter)
27 Mga Klinika at Ospital



Japanese Chinese Korean English Portuguese Tagalog Vietnamese

11-1 Sino ang maaaring magtrabaho

Ang mga banyagang residente ay maaaring mamasukan sa Japan kung ang kanilang status of residence ay nagpapahintulot nito. Gayunpaman, ayon sa kanilang visa o status of residence ay maaring may limitasyon sa kanilang mapapasukang trabaho.

Batay sa permanenteng residente, asawa ng isang Japanese National, asawa ng isang Permanent Resident, at Long Term Resident (Indo-Chinese refugees na tinanggap para sa paninirahan, mga 3rd generation Japanese, atpb), walang limitasyong binibigay ang Immigration control Act at maaari silang magtrabaho sa anumang linya.

Hindi kayo maaaring mamasukan sa Japan kung ang inyong status of residence ay : Cultural Activities, temporary visitor, University student, Pre-college Student, Trainee, family o dependent visa.

Japanese Chinese Korean English Portuguese Tagalog Vietnamese

11-2 Paghahanap ng Trabaho

Public Employment Security Offices (Hello Work)

Ang Public Employment Security Offices (Hello Work) ay nagbibigay ng maraming serbisyo para sa mga banyagang residente na maaaring mamasukan. Ang Hello Work ay naglalaan ng mga trabaho, pagkunsulta ukol sa trabaho, proseso ng pagtanggap ng benepisyo sa insurance sa pansamantalang walang trabaho, at pagpapakilala sa pampublikong programa sa pasasanay sa trabaho. Pumunta sa pinakamalapit na Public Employment Security Office para mag-aply sa trabaho o para sa dagdag na impormasyon.

[Katanungan]
  • Fujimino-shi Furusato Hello Work:tel.049-266-0200
  • Hello Work Kawagoe:tel.049-242-0197
  • Hello Work Tokorozawa:tel.04-2992-8609