Japanese Chinese Korean English Portuguese Tagalog Vietnamese
18 Welfare
Living Guide Top
Tagalog Top
1 Sistema ng residency management
2 Sistema ng family registry
3 Rehistrasyon ng Selyo o Seal
4 Pabahay
5 Tubig, Gas, Elektrisidad at Telepono
6 Pagtatapon ng Basura
7 Post Office at Delivery Companies
8 Banko
9 Trapiko
10 Buwis
11 Trabaho
12 National Health Insurance
13 National Pension Plan
14 Asosasyon ng mga magkakapitbahay
15 Pag-iwas sa Kalamidad, Apoy at Emergency
16 Aksidente sa kalye
17 Pangangalaga ng Bata
18 Welfare
19 Health checkups para sa mga adults
20 Edukasyon
21 Impormasyong Medikal
22 Konsultasyon at Pagpapayo
Pasilidad
23 City/Town Halls at iba pang mga pampublikong pasilidad
24 Mga paaralan at mga institusyong pang-edukasyon
25 Iba pang mga pampublikong pasilidad
26 Refuge (Shelter)
27 Mga Klinika at Ospital


Para sa mga serbisyong medikal ng welfare ng syudad/ bayan ukol sa mga sanggol, mga bata at mga may kapansanan, tingnan sa
'allowance at suporta' sa Artikulo 17 Pangangalaga ng bata.


Japanese Chinese Korean English Portuguese Tagalog Vietnamese

18-1 Mga Social workers at childcare workers

Ang mga social workers at childcare workers ay nagbibigay ng mga serbisyong konsultasyon para sa mga alalahanin sa araw- araw na pamumuhay, pangkabuhayan, pag-aalaga ng bata, edukasyon, mga suliranin ng mga nakatatanda,mga karamdaman, pisikal na kapansanan, at pagiging single parent ng pamilya . Nakapagbibigay rin sila ng impormasyon ukol sa mga maaring mahingan ng tulong at mga organisasyon na nagbibigay ng karagdagang suporta kung kinakailangan.

[Katanungan]
  • Fujimi-shi Fukushi Seisaku-ka Fukushi Seisaku kakari : tel.049-251-2711
  • Fujimino-shi Chiiki Fukushi-ka Chiiki Fukushi-kakari : tel.049-262-9028
  • Miyoshi-machi Fukushi-ka Fukushi Shien-tanto : tel.049-258-0019
Japanese Chinese Korean English Portuguese Tagalog Vietnamese

18-2 Nursing care Insurance at welfare para sa mga matatanda

Ang “nursing care insurance system” ay upang suportahan ang “nursing care” para sa mga matatanda bilang miyembro ng sanbayanan. Sinuman na may edad na 40 anyos pataas ay nagbabayad ng insurance premium bilang kasapi ng sistema. Pagdating ng panahong kailangan na ng nursing care, maaari kayong makatanggap ng care service sa murang halaga.

Iba't ibang welfare services ang ipinagkakaloob ng siyudad para maging maginhawa at mabawasan ang kalungkutan ng mga nakatatandang miyembro ng ating siyudad.

[Katanungan]
  • Fujimi-shi Koreisha Fukushi-ka : tel.049-252-7107(ex direct)
  • Fujimino-shi Korei Fukushi-ka Kaigo Hoken-kakari : tel.049-262-9037
  • Miyoshi-machi Kenkou Zoushin-ka Kaigo Hoken-tanto : tel.049-258-0019
Japanese Chinese Korean English Portuguese Tagalog Vietnamese

18-3 Tulong pang-medikal para sa mga matatanda (mula 75 pataas)

Ito ay sistema ng segurong medikal kung saan ang lahat ng taong may edad na 75 pataas (kabilang ang may edad na 65 pataas na may sertipikasyon na may ilang partikular na kapansanan) ay nakatala at ito ay pinamamahalaan ng Saitama Prefectural Union of Medical Care for the Advanced Elderly. Ang lahat ng mga taong nakaseguro ay nagbabayad ng mga premium ng insurance. Ang pasanin sa tanggapan ng institusyong medikal ay 10% ~ 30%. Sa prinsipyo, ang premium ng insurance ay ibinabawas sa iyong pensiyon, ngunit sa ibang kaso ang pagbabayad ay sa pamamagitan ng ipinapadalang payment slip o sa bank transfer.

(1) Kwalipikasyon para sa pagpapatala sa sistemang medikal para sa Kouki koreisha

  • Sa mga nakatala sa Basic Resident registration at napagkalooban ng permiso na manirahan ng higit sa 3 buwan.
  • Sa mga nakatala sa Basic Resident registration at napagkalooban ng permiso na manirahan ng mababa sa 3 buwan, gayundin ay napagkalooban na manatili higit sa 3 buwan dahil sa mga kadahilanang nakasaad. Tingnan lamang sa ibaba.

(2) Mga banyagang hindi kwalipikado para sa sistemang medikal ng Kouki koreisha

  • Mga banyaga na ang status ng residency ay "designated activities" o sila ay pumunta dito para magpagamot, ganun din ang mga tagabigay ng pangangalaga sa kanila, o kaya sila ay nagpunta para sa dahilang turismo, recreational, o iba pang kagayang mga dahilan.
  • Sa mga tumatanggap ng “public assistance” (maliban sa mga nahinto na ang pagtanggap ng“public assistance”)
[Katanungan]
  • Fujimi-shi Hoken Nenkin-ka Kouki Koureisha Iryou-kakari : tel.049-251-2711
  • Fujimino-shi Hoken-Nenkin-ka : tel.049-261-2611
  • Miyoshi-machi Jumin-ka Hoken Nenkin-tanto : tel.049-258-0019
Japanese Chinese Korean English Portuguese Tagalog Vietnamese

18-4 Welfare para sa may mga kapansanang pisikal

Sinumang may kapansanan sa pisikal, mental, o iba pang mental disorders ay maaring tumanggap ng iba’t ibang mga serbisyo ayon sa antas ng kanilang kapansanan. Para sila ay tumanggap ng mga serbisyong ito ay kailangang mayroon: (Handbook para sa may kapansanang pisikal) kung may kapansanang pisikal, (Handbook para nangangailangan ng nursing care) kung may kakulangan sa pag-iisip, at (Welfare handbook para sa may mental na kapansanan o Sertipikasyon ng pangangailangan ng suporta para makapamuhay ng mag-isa [nagpapagamot sa psychiatry na ospital] ) kung may mental disorders. Magsadya lamang at mag-apply para sa handbooks at iba pa.

[Katanungan]
  • Fujimi-shi Shogai Fukushi-ka : tel.049-251-2711
  • Fujimino-shi Shogai Fukushi-ka Shogai Fukushi-kakari : tel. 049-262-9032
  • Miyoshi-machi Fukushi-ka Fukushi-Shomu, Fukushi-Shien tanto : tel.049-258-0019
Japanese Chinese Korean English Portuguese Tagalog Vietnamese

18-5 Welfare para sa mga may problemang pinansyal

Mga pampublikong suporta at konsultasyon ay ibinibigay para sa mga nangangailangan at nahihirapan sa pamumuhay dahil sa karamdaman, walang hanapbuhay, pagkamatay ng padre de pamilya, at iba pa, para gumaan ang kanilang pamumuhay.

[Katanungan]
  • Fujimi-shi Fukushi Seisaku-ka Fukushi Seisaku kakari : tel. 049-251-2711
  • Fujimino-shi Chiiki Fukushi-ka Fukushi Sogo Shien Team : tel.049-262-8130
  • Miyoshi-machi Fukushi-ka Fukushi Shien-tanto : tel.049-258-0019