|
|
10-1 Klasipikasyon ng buwis at pagpa-file nito |
Ang mga dayuhang nasyonal na naninirahan sa bansa ay obligado ding magbayad ng pambansang buwis (hal. income tax at consumption tax) at local taxes (hal. residents' tax).
(1) Income Tax
Ang Income tax ay ipinapataw sa kinita mula Enero 1 hanggang Disyembre 31. Maaaring magbayad ng buwis sa dalawang paraan.
- Maaring kayo mismo ang mag-file at magbayad ng iyong buwis.
- Withholding tax system, kung saan ang iyong employer ang nagpapasa ng iyong buwis mula sa iyong suweldo.
Sa ganitong kaso, ang empleado ay maaaring makakuha ng tax refund sa mga sumusunod na sitwasyon; mataas na gastusing medikal na higit pa sa nakasaad na halaga, halaga ng nawala dahil sa kalamidad, pagnanakaw o pandidispalko, o kaya'y kapag nangutang para makabili ng bahay. Para sa dagdag na detalye, magtanong sa tax office.
(2) Consumption tax
Lahat ng mga bilihin at serbisyo ay pinapatawan ng 10% bilang buwis ng pagkunsumo o consumption tax. (Ang mga pagkain at inumin ay papatawan ng mas mababang buwis na (8%), maliban sa alak/alcohol drinks at pag kumain sa mga kainan at restaurants.)
(3) Buwis ng Residente
Ang bawat mamamayan ay may binabayarang buwis na prefectural tax at city tax o municipal tax. Sa mga nakatira sa Fujimi-shi, binabayaran ang buwis mula Enero 1. Kailangang bayaran ang buwis, base at proporsyonal sa inyong kinita sa buong taon.
|
10-2 Paraan ng pagbayad ng buwis |
Dalawang paraan ang pagbabayad ng buwis : pangkaraniwan at espesyal na pagkokolekta.
(1) Pangkaraniwan
Kaiba sa mga namamasukan sa kumpanya kung saan ibinabawas ang buwis sa kanilang sahod, ang mga self-employed, magsasaka, at freelancers ay sila mismo ang nagbabayad ng buwis ayon sa pinadalang tax notifications ng munisipyo o city hall office. Ang buwis ay nahahati sa apat na beses na pagbabayad.
(2) Espesyal na pagkolekta
Kung ikaw ay isang empleyado na nagtatrabaho sa isang kumpanya, i-aawas sa iyong suweldo kada buwan ang kaukulang buwis at ibabayad ito sa bayan o syudad.
(3)Tax payment administration
Kung hindi ninyo natatanggap ang mga notisya ng pagbabayad ng buwis o hindi kayo nakakabayad ng buwis sa dahilang kayo ay nasa ibang bansa, maari lamang ay mag file ng notisya sa tax payment administration bago umalis ng bansa. Para sa detalye kontakin lamang ang upisina.
|
10-3 Konsultasyon sa pagbayad ng buwis |
Kung nais humingi ng pagpapayo ukol sa pagbabayad ng buwis (resident tax at iba pa)o sertipikasyon ng pagbubuwis, tumawag o magsadya sa mga sumusunod na tanggapan.
[Katanungan]
- Kawagoe
Tax Office : tel. 049-235-9411 (direct line)
- Fujimi-shi
Zeimu-ka o Shu u zei-ka : tel.049-251-2711 (direct line)
- Fujimino-shi
Zeimu-ka o Shu u zei-ka :
tel.049-261-2611 (direct line)
- Miyoshi-machi Zeimu-ka : tel: 049-258-0019 (direct line)
|
|