|
|
Sa lahat ng banyagang naninirahan sa Japan, ang“new residency management system” ay nagsimula noong Hulyo 9, 2012.
Ang Immigration Bureau ng Japan“Zairyuu Card ”ay ipagkakaloob sa “mid- to long-term residents” ng Immigration Bureau bilang kapalit ng “Alien registration certificates” (foreign resident registration card) na pinagkaloob ng village, town o city hall. Special permanent resident certificate “Tokubetsu Eijyuusya Shomeisho” ay ipagkakaloob para sa special permanent residents.
Banyagang residente na nakatala sa “Basic Residents' Registration” ay maari nang makakuha ng “Residence Certificate” o kopya ng“Juuminhyou” , at iba pa kagaya ng mga lokal na Hapon.
|
1-1 Ang resident“zairyuu”card o special permanent resident certificate“Tokubetsu eijyuusha shoumeisho”
|
(1) Ang resident card (ay ipinagkakaloob ng Immigration Services Agency o sa mga immigration ports)
- Ang mga permanent resident na may edad 16 taong gulang pataas at mga Advanced Propessional No. 2 ay hanggang 7 taon mula sa petsa ng paglabas ng kanilang resident card at ang mga wala pang 16 taon gulang ay hanggang sa petsa bago sumapit kanilang ika-16 taong kaarawan. (kung ang resident card ay na-isyu bago Nobyemre 1, 2023, maari hanggang araw ng ika-16 taong kaarawan).
- Maliban sa mga Permanent Resident at Highly Specialized Professional II, i-renew ang iyong resident card bago o hanggang sa petsa ng expiration ng iyong panahon ng pananatili, gayunndin para sa mga wala pang 16 taong gulang bago sumapit ang kanilang ika-16 na kaarawan. (kung ang resident card ay na-isyu bago Nobyemre 1, 2023, maari hanggang araw ng ika-16 taong kaarawan) alinman ang mauna.
- "Mid-to long-term residents” ay mga banyaga na ang status ng pananatili sa Japan ay lalagpas pa sa 3 buwan subalit hindi kasama ang napahintulutan na manatiling hindi hihigit sa 3 buwan o sa napahintulutang bigyan ng status na “temporary visitor” (tourist), “diplomat”, “officials” o katulad ng mga tatlong statuses na nakasaad sa itaas.
(2) Ang sertipikasyon ng “special permanent resident” (pinagkakaloob ng “village, town o city hall ”)
- Ang sertipikasyon ng 「special permanent resident 」ay pinagkakaloob upang kapalit ng Alien registration certificates.
- Ayon sa batas ng Pagkontrol sa Immigration at Pagkilala sa Refugee (simula dito na tinukoy bilang "Immigration Act") ang "Residence Card"ay hindi iisyu.
- Ang bisa ng “special permanent resident certificate” ay hanggang 7 taon ayun sa kautusan.
(3) Ang Alien registration certificates na ipinagkaloob sa mga may short-term status of residence at sa mga walang status of residence ay wala nang bisa o invalid na, simula noong Hulyo 9, 2012. Kung nasa inyo pa ito ay kailangang ibalik ito sa Immigration Services Agency sa lalong madaling panahon.
|
1-2 Mga Banyagang residente ay itatala sa “Basic Residents Registration”
|
Maisasagawa ang pagkaloob ng “Residence Certificate” o Juuminhyou duplicates, atibpa., sa banyagang nasyonal kagaya ng sa Hapones na nasyonal.
(1) Ang mga maaring itala sa “Basic Resident Registration” ay “mid- to long-term residents” (na mayroong resident card), ang “special permanent residents” at ibang naitalaga.
(2) Ang nilalaman ng rehistradong basic resident registration ay pangalan, petsa ng kapanganakan, kasarian at address gayun din ang nasyonalidad at rehiyon ng tirahan, klase ng status of residence, “period of stay”, at iba pa na nakasaad sa resident card.
(3) Kung magkaroon ng anumang pagbabago sa status residence o sa panahon ng pananatili ng dayuhang residente at iba pang pagbabago na dapat i-update sa kanyang resident card, ang Director ng Immigration Services Agency ang magpapadala ng notisya sa municipal mayor.
(4) Para sa mga pamilyang binubuo ng Hapon at banyagang nasyonalidad, maari nang magpa-isyu ng sertipiko (kopya ng residence certificate) na nakatala ang lahat ng miyembro ng pamilya.
(5) Maari kayong mag-apply para ma-isyuhan ng Individual Number Card (My Number Card). Para sa detalye, tingnan ang homepage ng MIC (Ministry of Internal Affairs and Communications) o homepage ng inyong lokal na munisipalidad.
Ano ang maari mong gawin sa My Number Card na nilagyan ng electronic certificate
- Maaring makakuha ng kopya ng mga opisyal na sertipiko tulad ng kopya ng residence certificate sa mga convenience store.
- Gamitin bilang isang health insurance card.
- Pag-file ng income tax return at mga pamamaraan sa paninirahan.
- Online na application para sa paglipat, pangangalaga ng bata, atbp.
- Paggamit ng "MyNa Portal"「マイナポータル」na magagamit bilang iyong personal site na magbibigay-daan sa iyong paghahanap ng mga administratibong pamamaraan at online na aplikasyon.
|
1-3 Proseso sa village, town , o city hall |
(1) Notipikasyon ng paglipat ng tirahan (pagbabago ng address)
〇 Sa mga bagong dating sa Japan.
Sa mga nakatanggap ng resident card sa port of entry and departure sa kanilang pagpasok sa bansa, matapos nilang makahanap ng tirahan ay kailangang magtungo sa munisipyo ng lugar sa loob ng 14 na araw dala ang resident card at passport para mai-rekord ang kanilang address at maibigay ang abiso sa Director of Immigration Services Agency.
〇 Kung kayo ay lumipat ng tirahan
Kung lilipat ng tirahan, ang “mid-to-long-term residents (special permanent residents)" ay kailangang magbigay paalam sa munisipyo ng aalisang lugar at humingi ng "move-out certificate” bago pumunta sa munisipyo ng lugar ng lilipatan. Pagkatapos lumipat, sa loob ng 14 ng araw pumunta sa municipal office ng bagong tirahan at dalhin ang inyong resident card (special permanent resident certificate), notification card (My Number card(Para lamang sa mga mayroon)) at move-out certificate para maibigay ang abiso ng pagbago ng inyong address sa Director of Immigration Services Agency. Gayundin kung kayo ay bagong kasambahay na kabilang sa pamilya na lilipat, kailangang magpasa ng dokumento (original copy) ng pagpapatunay ng relasyon sa householder at ng kopya nito na nakasalin sa Nihongo.
(2) Pagkuha ng notipikasyon ng move-in (o pagbabago ng tirahan) at paglalagay ng pagbabago sa resident card (special permanent resident certificate) ay maaring gawin ng minsanan.
Ayon sa Batas sa Pagkontrol sa Immigration at Refugee Recognition , dalhin lamang ang notipikasyon ng paglipat ng tirahan at resident card (special permanent resident certificate), at notification card (o "my number card") sa municipal office at maari nang gawin sa pag pil-ap ng notipikasyon ng “move-in” o pagpapalit ng address sa pagpatala sa Basic Resident Registration System .
(3) Kung wala kayong kopya ng move-out certificate (sa kaso ng paglipat ng tirahan) kailangang kumpletuhin ang proseso ng pagkuha ng move-out certificate sa munisipyo ng dati nyong tirahan. Gayundin kung hindi ninyo dala ang Resident card (o kaya Special permanent resident certificate) kakailanganin ninyong iulat ang bagong address sa ibang araw.
Ang mga notipikasyon ay kailangang kumpletuhin ng bawat aplikante. Subalit, kung hindi magagawa ng personal maaring ipakiusap sa iba ang pagsasagawa ng aplikasyon, lamang ay gumawa ng sulat para sa pag gamit ng proxy.
(4)Mga pamamaraan para sa pagpapalit ng My Number Card dahil sa pagpapalawig ng panahon ng pananatili, at iba pa.
Ang pag-update ng impormasyon sa Resident Card ay hindi awtomatikong makikita sa My Number Card, kaya kung magpapa-extend ka ng iyong pananatili o papalitan ang iyong pangalan, kakailanganin mong baguhin ang impormasyon sa My Number Card.
Kung mayroon kang My Number Card, kung pahahabain mo ang iyong panahon ng pananatili o kung papalitan mo ang iyong pangalan sa iyong residence card, dapat mong sundin ang pamamaraan para sa pagpapalit ng impormasyon sa My Number Card.
Tandaan lamang na ang iyong My Number Card ay mag-e-expire kung hindi ka magaaplay para sa extension sa inyong munisipyo bago ang petsa ng expiration ng iyong My Number Card.
|
1-4 Proseso sa Regional Immigration Services Agency |
(1) Notipikasyon ng (pagpapalit) ng lugar ng tirahan.
Sa pagproseso ng notipikasyon ng pagpapalit ng lugar ng tirahan o address, magsadya sa Regional Immigration Services Agency at maari lamang ay dalhin ang inyong passport, photo, residence card at iba pang dokumento na nagpapatunay ng pagbabago.
(2)Notipikasyon sa pagpalit ng pangalan, petsa ng kaarawan, kasarian, nasyonalidad, rehiyon.
Kung sakaling may pagbabago sa inyong pangalan, petsa ng kaarawan, kasarian, nasyonalidad o region, halimbawang nagpalit ng pangalan, nasyonalidad, o rehiyon sa dahilan ng pag-asawa, ipaalam ang mga pagbabagong ito sa Director of Immigration Services Agency sa Regional Immigration Services Agency sa loob ng 14 araw.
* Karaniwan ang mga pangalan ay nakasulat sa alphabet, subalit maari ding isulat sa kanji (original characters). Para sa detalye kontakin lamang ang Regional Immigration Services Agency.
(3) Aplikasyon para sa pag-renew ng haba ng bisa ng residence card.
Mga permanent resident, Advanced Professional No. 2, at permanent resident na wala pang 16 taon gulang pero ang kanilang residence card ay matatapos sa petsa bago sumapit ang kanilang ika-16 taong gulang na kaarawan (kung ang resident card ay na-isyu bago Nobyemre 1, 2023, maari hanggang araw ng ika-16 taong kaarawan), ay kailangang mag-apply para sa pagpabago ng kanilang residence card sa Regional Immigration Services Agency bago sumapit ang expiration date.
(4) Aplikasyon para sa pag re-issue ng resident card.
〇 Kung ang inyong residence card ay nawala o nanakaw, kinakailangang mag-aplay para sa re-issuance o pagpagawa ng panibagong resident card, sa loob ng 14 araw mula ng malamang ito ay nawala.
* Sa pag-aplay ng “reissue” maari po lamang dalhin ang dokumento na mag papatunay na ito ay nawala o nanakaw mula sa Police Department, o kung kayo ay nasunugan, kumuha ng disaster victim certificate sa Fire Department.
〇 Kung ang inyong resident card ay nasira o merong diprensya, maari po lamang na mag-aplay para sa “re-issuance” sa madaling panahon.
〇 Maari din kayong mag-aplay ng panibagong resident card kahit ito ay hindi masyadong sira. Subalit babayaran ninyo ang “reissuance fee”.
(5) Notipikasyon ukol sa organisasyon kung saan kasapi ang aplikante at ukol sa asawa.
Sa pagsumite ng mga sumusunod na notipikasyon o pagbabago dalhin lamang ang resident card at magsadya sa Regional Immigration Services Agency. Maari ding ipadala sa pamamagitan ng koreo, ilakip lamang ang kopya ng inyong resident card. Subalit sa ganitong paraan ay hindi kayo mare-isyuhan ng bagong resident card.
〇 Notipikasyon ukol sa organisasyon kung saan kasapi
Kung ang mid- to long-term resident na mayroong kwalipikasyon kagaya ng sa pagtatrabaho, sa pag-aaral at iba pa, ay nagkaroon ng pagbabago o pagpapalit ng organisasyon (employer o educational institution) kung saan sya ay kasapi, katulad ng nagbago ng pangalan, lokasyon, o kaya nagsara, gayundin kung lumipat ng ibang organisasyon (dahil sa pagtatapos ng kontrata) at lumipat sa ibang organisasyon (pagkakaroon ng bagong kontrata) ay kailangang magsadya o pumunta ng personal at ipaalam ang mga pagbabagong ito sa loob ng 14 araw sa Regional Immigration Services Agency o kaya ay ipadala ang notipikasyon sa pamamagitan ng koreo sa Director of Immigration Services Agency ng Tokyo Immigration Services Agency.
〇 Notipikasyon ukol sa asawa
Kung kayo ay na-diborsyo sa asawa o namatay ang inyong asawa kailangang isumite ang notipikasyon sa Director of Immigration Services Agency sa loob ng 14 araw kung personal na pupunta sa Regional Immigration Services Agency o maari ding ipadala sa pamamagitan ng koreo sa Tokyo Immigration Services Agency.
|
1-5 Para sa impormasyon at katanungan sa bagong “residency management system and procedures” |
(1) Pakiusap para kuhanin ang impormasyon na nakasulat sa original na kopya ng alien registration
Kung kinakailangang makuha ang impormasyon at lumang data sa original registration form kagaya ng history ng mga dating tirahan, pangalan, nasyonalidad, at iba pa, pagkatapos ng Hulyo 9, 2012 ay kailangan nang dumiretso at magpasa ng request sa Immigration Services Agency.
[Magsadya sa upisina ng]
Immigration Services Agency, General Affairs Division, Information system Management Office, Immigration Information Disclosure Section
Privacy Protection Section.
- Address: 〒160-0004 Yotsuya tower13F,1-6-1,Yotsuya, Shinjyuku-ku, Tokyo-to
- Tel. no.: 03-5363-300
- Oras: 9:00 hanggang 17:00 (maliban pag Sabado, Linggo, pista opisyal, katapusan at simula ng taon
( Dec. 29 ~Jan.3 ))
(2) Para sa “Residency management system and procedure”
Website ng Immigration Bureau ng Japan
(3) Para sa “Basic Resident Registration”
Ministry of Internal Affairs and Communications : Japanese page
(English page)
[Katanungan]
Immigration Services Agency, Information Center for Foreign Residents
- Address: 〒108-8255, 5-30, Konan 5-chome, Minatoku, Tokyo
- Phone:0570-013904(IP, Overseas 03-5796-7112 )
- Oras: 8:30~17:15 (maliban sa Sabado, Linggo at pista opisyal)
- Lenguahe: English, Chinese, Korean, Spanish, at iba pa.
- Paano pumunta: Mula JR Shinagawa Station Konan Exit (East Exit), sumakay sa Tokyo Metro Bus “Shinagawa Futo Junkan” at bumama sa “Tokyo Shutsu nyukoku Zairyu Kanri-kyoku mae”, o maglakad ng 15 min. mula sa Tokyo Monorail “Tennozu Isle” (South Exit) or Rinkai Line “Tennozu Isle”.
Saitama Branch, Tokyo Immigration Services Agency
- Address: 〒338-0002 IF, No.2 Complex Buil. of Saitama regional legal affairs bureau, 5-12-1, Shimoochiai, Chuo-ku, Saitama-shi, Saitama
- Telepono: 048-851-9671
- Oras: 9:00〜16:00 (maliban sa Sabado, Linggo at pista opisyal)
- Lenguahe: Japanese
- Paano pumunta: bumaba sa Yono-honmachi ng JR Saikyo line
|
|