Japanese Chinese Korean English Portuguese Tagalog Vietnamese
15 Pag-iwas sa Kalamidad, Apoy at Emergency
Living Guide Top
Tagalog Top
1 Sistema ng residency management
2 Sistema ng family registry
3 Rehistrasyon ng Selyo o Seal
4 Pabahay
5 Tubig, Gas, Elektrisidad at Telepono
6 Pagtatapon ng Basura
7 Post Office at Delivery Companies
8 Banko
9 Trapiko
10 Buwis
11 Trabaho
12 National Health Insurance
13 National Pension Plan
14 Asosasyon ng mga magkakapitbahay
15 Pag-iwas sa Kalamidad, Apoy at Emergency
16 Aksidente sa kalye
17 Pangangalaga ng bata
18 Welfare
19 Health checkups para sa mga adults
20 Edukasyon
21 Impormasyong Medikal
22 Konsultasyon at Pagpapayo
Pasilidad
23 City/Town Halls at iba pang mga pampublikong pasilidad
24 Mga paaralan at mga institusyong pang-edukasyon
25 Iba pang mga pampublikong pasilidad
26 Refuge (Shelter)
27 Mga Klinika at Ospital



Japanese Chinese Korean English Portuguese Tagalog Vietnamese

15-1 Sakaling magkaroon ng Lindol

(1) Kung nasa loob ng tahanan…

Maging kalmado at proteksyunan ang inyong sarili, kung may cushion, takpan nito ang inyong ulo. Pagkalipas ng yanig tingnan kung may maaring panimulan ng sunog . Sakaling may makitang gamit na nasusunog, maging kalmado at kaagad itong patayin gamit ang fire extinguisher.
  1. Unahin na maging ligtas ang sarili. Siguraduhing matatag ang pagkakalagay ng mga kasangkapan para huwag matumba.
  2. Ang maliit na apoy ay maaring pagsimulan ng sunog. Alisin sa saksakan ang mga electrical outlets. Isara ang gas at patayin ang electric breaker.
  3. Huwag mataranta at huwag agad agad tatakbo palabas.
  4. Buksan ang pintuan at siguraduhin may lalabasan.
  5. Mag-ingat sa basag na salamin.
    Ihanda ang flashlight at tsinelas sakaling mawalan ng kuryente.
  6. Maglakad sa paglilikas.

(2) Kung kayo ay nasa labas.

Mag-ingat sa bumabagsak na mga bagay. Lumayo sa konkretong pader, bangin o tabing ilog. Maglakad sa malawak na parte ng kalye. Magtungo sa isang ligtas na lugar upang maiwasan ang mga bumabagsak na basag na salamin mula sa mga gusali kung kayo ay nasa gitna ng syudad.

(3) Kung kayo ay nasa underground...

Huwag mataranta, magtago sa gilid ng pader o poste para maprotektahan ang sarili. Matatag ang underground subalit kung may blackout o sunog, marami ang mag-papanic at maaaring magdulot ng kaguluhan. Sumunod sa inuutos ng attendants o rescue team. Mararating ang labasan kung patuloy kayong lalakad sa gilid ng pader.

(4) Sakaling kayo ay namimili o nasa loob ng sinehan...

Kung kayo ay nasa loob ng department store o sinehan, huwag tumakbo sa exit door. Sundin ang instruksyon ng attendants at maging kalmante.

(5) Sakaling kayo ay nasa loob ng tren o bus...

Maghanda sa biglang paghinto. Maaaring mas delikado kung agad tatakbo sa labasan..Huwag mataranta, mahinahon na sundin ang utos ng mga attendants.

(6) Sakaling kayo ay nasa loob ng elevator...

Pindutin ang alin man sa mga buttons at lumabas sa pinakamalapit na exit door ng elevator. Sakaling mang may iba pang insidente, tumawag sa emergency center gamit ang emergency telephone na nasa loob at maghintay sa rescue team. Mahalaga na maging mahinahon ang bawat isa.

(7) Ugaliin ang pagiging handa.

  1. Makilahok sa mga emergency drills at alamin ang tamang aksyon sa oras ng emergency.
  2. Isama ang buong pamilya sa paghanda o pag-ensayo sa disaster prevention. Alamin ang lahat ng lokasyon ng emergency supply, evacuation area, at mga daanan.
  3. Imbistigahan at patatagin ang mga kagaya ng haligi, pundasyon, bubong at iba pa. Tingnan kung ito ay marupok na.
  4. Tibayan ang mga konkreto at batong pader upang hindi mabuwag.
  5. Lagyan ng pansangga o pangkapit ang malalaking kasangkapan para di bumagsak.
  6. Maglagay ng fire extinguisher.
  7. Maghanda ng mga kagamitang pang-emergency. Mag stock ng pagkain at tubig na maiinom.

(8) Disaster prevention sa siyudad (bayan)

Ang siyudad (bayan) ay nagtatatag ng tanggapan ng disaster management kapag nagkaroon ng malubhang disaster o kung ito ay darating. Ang tanggapang ito ay binubuo ng mayor bilang general manager at ng mga opisyal ng bayan kasama ang mga volunteer firemen bilang staff. Sila ay kikilos upang maprotektahan ang mga mamamayan at kanilang mga ari-arian.

[Katanungan]
  • Fujimi-shi Kiki Kanri-ka : tel.049-251-2711
  • Fujimino-shi Kiki Kanri Bousai-ka Bousai-kakari : tel. 049-262-9017
  • Miyoshi-machi Jichi Anshin-ka Bosai-Koutsu Anzen tanto : tel. 049-258-0019
Japanese Chinese Korean English Portuguese Tagalog Vietnamese

15-2 Bagyo

Makakakuha ng impormasyon ukol sa panahon, kung may bagyo at daloy nito sa homepage ng Meteorological Agency. Gayundin sa homepage ng city at town hall ay makikita ang "hazard maps" sakali mang magkaroon ng malakihang natural na kalamidad. Suriin natin kung ang lugar na tinitirhan natin ay kasama sa mga lugar na delikado sa panahon ng kalamidad.

Nitong mga nakaraang taon ay nagiging madalas ang biglang pagbuhos ng ulan, na tinatawag na "guerilla heavy rains", kung saan ang sandaliang malakas na pagbuhos ng ulan ay tumatama sa isang lugar. Kung sakaling may balitang may malakas na pag-uulan, tingnan at alamin sa weather forecast at iba pang websites para maging handa at mapangalagaan natin ang ating sarili.

[Katanungan]
  • Fujimi-shi Kiki Kanri-ka : tel.049-251-2711
  • Fujimino-shi Kiki Kanri-Bousai-ka Bousai-kakari: tel.049-262-9017
  • Miyoshi-machi Jichi Anshin-ka Bousai・Kotsu-Anzen tanto : tel.049-258-0019
[Disaster Information Website]
[Hazard maps]
Japanese Chinese Korean English Portuguese Tagalog Vietnamese

15-3 Pamamalita sa wikang banyaga sa oras ng emerhensiya

Ang impormasyon sa pinsala at pagliligtas ay ipamamalita sa wikang Ingles kung may kalamidad na nagaganap.

(1) Radyo

Inter FM: 76.1 MHZ, NHK 2: 693 KHZ

(2) TV

NHK pangunahing channel 1 (supplementary audio ), NHK's satellite broadcasting 1 & 2 (supplementary audio )

Japanese Chinese Korean English Portuguese Tagalog Vietnamese

15-4 Sunog at Rescue

(1) Para sa sunog, rescue o ambulansya, i-dial ang 119. (Libre ang pagtawag)

Sumigaw at humingi ng tulong kapag may sunog. Maaaring gamitin ang fire extinguisher kung ang apoy ay hindi pa umaabot sa kisame. Subalit kung alam ninyo na malaki ang peligro, lumabas na kayo kaagad. Panatiliin na nakayuko ang ulo upang makaiwas sa usok.

(2) Fire extinguisher

Mayroon iba't ibang uri ng fire extinguisher (hal. dry chemical, pressurized water, foam). Ang bisa o expiration date at paraan ng paggamit ay depende sa uri. Alamin ang wastong paggamit at regular na inspekyunin ang mga ito.

(3) Para maka-kontak sa panahon ng emerhensya

Sakaling magkaroon ng emerhensya kagaya ng biglaang pagkakasakit, aksidente, o sunog, ang fire department ay maaring magpahiram ng equipment na magagamit upang kaagad ay makakontak. Ang serbisyong ito ay para sa mga matatanda, sa may kapansanan, o may malubhang sakit. Para sa detalye ay makipag-ugnayan lamang sa tanggapan.

[Katanungan]
  • Fujimi-shi Koureisha Fukushi-ka : tel.049-252-7108 (direct line)
  • Fujimino-shi Kourei Fukushi-ka Chiiki Shien-kakari : tel.049-262-9038
  • Miyoshi-machi Yakuba Fukushi-ka : tel.049-258-0019 (extension 176)

(4) NET119 Emergency call system

Ang NET119 emergency call system ay isinagawa ng Iruma Eastern District Administrative Association para sa mga may kondisyon na hindi makatawag sa emergency tel. 119.

Sa pamamagitan ng internet ng smart phones at mobile phones ay makakapag-konekta sa 119 gamit ang ilang simpleng screen operations. Para makagamit ng serbisyong ito ay kailangang mag-apply para ma-rehistro.

[Para sa katanungan at detalye]
Iruma Eastern district Administrative Association Fire Department Headquarters, Commands and Control Division
  • E-mail: sirei-01@irumatohbu119.jp
  • FAX : 049-262-2633

(5) E-mail at fax #110

Ang Saitama prefectural police headquarters ay nagkakaloob ng emergency [Fax 110] at E-mail 110] para sa mga mamamayang may kapansanan sa pandinig at pagsasalita. Sila ay maaaring kumontak sa police station sa panahong may aksidente o insidente.

Ang pagbibigay alam na gamit ang E-mail 110 ay pag-konekta sa nakatalagang homepage at ang pag-uulat ay sa pamamagitan ng "chat".
Japanese Chinese Korean English Portuguese Tagalog Vietnamese

15-5 Ambulansya

Idial ang 119 upang tumawag sa ambulansya sa oras ng emergency, biglaang karamdaman o malubhang pagkakasugat. Libre ang serbisyo ng ambulansya. Kung hindi naman grabe ang pagkasugat, gamitin ang sariling sasakyan o tumawag ng taxi.

(1) Mga kailangang impormasyon kung tatawag ng ambulansya.

  • Lugar kung nasaan ang sugatan o maysakit
  • Inyong pangalan at numero ng telepono
  • Mga palatandaan na malapit sa lugar
  • Kondisyon ng sugatan o maysakit

(2) Papaano tumawag sa 119

Maging kalmado at ipaalam ng malinaw kung ano ang uri ng sunog o emergency gayundin ang lokasyon o adres.
  • Sunog: Kaji desu
  • Medikal na emergency: Kyukyu desu
  • Pagpapunta ng ambulansya: Kyukyusha wo onegai shimasu
Japanese Chinese Korean English Portuguese Tagalog Vietnamese

15-6 Ano ang gagawin sakaling may ballistic missile na maaring bumagsak o tumama sa isang lugar

Kung inaakala ng pamahalaan na may ballistic missile na maaring bumagsak sa bansa, sa pamamagitan ng J-alert ipapaabot sa lahat ang emergency broadcast (sa Nihonggo) kasabay ng emergency na tunog ng sirena. Gayundin magpapadala ng emergency information (area mail) sa mga cell phones sa area na kung saan inaakalang tatamaan ng missile.

Kung makatanggap kayo ng emergency information, gawin ang mga sumusuod na hakbang :

Kung kayo ay nasa labas

  • Lumikas sa malapit na gusali na gawa sa semento o iba pang matibay na mapagsisilungan.
  • Kung walang malapit na gusali, magtago sa likod ng isang bagay o dumapa sa sahig o lupa at ingatan ang inyong ulo.

Kung kayo ay nasa loob

  • Huwag tumigil sa malapit sa bintana o kaya pumunta sa silid na walang bintana.
Civil Protection Portal Site, Foreign language (English)
https://www.kokuminhogo.go.jp/en/pc-index_e.html