|
|
Ang
rehistrasyon ng pamilya o
kosekitohon
ay nagpapakita ng talaan ng panganganak, pagkamatay,
kasalan at iba
pang
impormasyon.
Ayon sa batas ng
rehistrasyon ng pamilya, kailangang ipaalam ng mga
dayuhang residente
ang mga naganap
na kasalan, pagbubuntis at panganganak sa city hall.
|
2-1 Rehistrasyon ng Panganganak |
- Mag-aply sa loob ng 14 na araw mula sa araw na
ipinanganak
ang sanggol (
kung ang batang anak ng isang Hapon ay ipinanganak sa
ibang bansa, sa
loob ng 3 buwan).
- Ang aplikante ay ang ama o ina ng sanggol.
- Ang aplikante ay kailangang tukuyin ang lugar ng
panganganak,
kasalukuyang tirahan o permanenteng tirahan ng asawang
Hapones.
- Mga kailangang dokumento:
- Birth
registration form at birth certificate (kailangang
may kopya na nakasalin sa
Nihongo kung ang certificate ay nakasulat sa wikang
banyaga )
- Pasaporte ng
magulang kung dayuhang nasyonal
- Ang inyong resident card o “special permanent
resident
certificate”
- Maternal at child health handbook
- Selyo (Seal) ng aplikante (kung ang aplikante ay
Hapones)
|
2-2 Notifikasyon ng pagkamatay |
Ang notifikasyon ng pagkamatay ay
kailangang gawin.
- Ang aplikasyon ay dapat isumite sa loob ng 7 araw
matapos
makumpirma ang pagyao ng miyembro ng pamilya.
- Ang aplikante ay kailangang kamag-anak, kasama sa
bahay, may ari ng
lupang tinitirhan o tagapag-alaga ng yumao, tagalingap o
legal na
tagapangalaga, tulad ng pinagkatiwalaan tagapangalaga.
- Pagsusumite ng notipikasyon: address ng taong nagsusumite ng notipikasyon, ang rehistradong tirahan ng asawang Hapon, o ang lunsod o lugar ng kamatayan.
- Mga kailangang dokumento:
- Death registration form at death certificate
- Resident card o “ special permanent resident certificate” (ng nagsusumite)
|
2-3 Rehistrasyon ng Pagpapakasal |
Ang mga sumusunod ay kailangan para sa
rehistrasyon sa pagpapakasal.
- Rehistrasyon ng kasal (pagpipirma ng mga ikakasal at 2 saksi na nasa hustong gulang ay kailangan).
- Sertipikasyon ng mga dokumento sa pagpapakasal Mga dokumento na isusumite ng banyagang mapapangasawa na inisyu ng kanilang pambansang pamahalaan, lokal na pamahalaan o iba pang may awtorisasyon, katulad ng foreign diplomatic offices dito sa Japan (kasama ang kopya na nakasalin sa Nihongo).
- Sertipiko ng kapanganakan (nakasalin sa Nihongo).
- Passport (may nakasaling kopya sa Nihongo).
- Ang inyong resident card o “ special permanent resident certificate”.
- Dokumento ng pagkakakilanlan (driver's license, passport, atb).
- Iba pang mga kailangang dokumento.
* Para sa mga dayuhang mamamayan, ang mga dokumento sa itaas ay maaaring mag-iba depende sa batas ng bansa o personal na sitwasyon. Mangyaring makipag-ugnayan sa amin para sa karagdagang impormasyon.
|
2-4 Rehistrasyon ng Paghihiwalay o Diborsyo
|
Ang mga
sumusunod ay kailangan para sa rehistrasyon ng diborsyo o
paghihiwalay.
- Paunawa sa diborsyo (pirma ng mga nag-apila para sa diborsyo at 2 saksing nasa hustong gulang ay kailangan)
- Passport (may nakasaling kopya sa Nihongo)
- Ang sertipikasyon ng resident registration ng Hapones na asawa (nakasaad ang status of residence at period of stay ng banyagang asawa, kung ang Hapones na asawa ay nasa labas ng bansang Japan )
- Dokumento upang makilala (driver's license, passport, etc. )
* Kung ang dalawa ay parehong banyaga, kailangang magsadya
sila sa
kani-kanilang mga embahada o konsulado.
[Katanungan]
- Fujimi-shi Shimin-ka Koseki-kakari:tel.049-252-7111
- Fujimino-shi Shimin-ka Koseki-kakari:tel.049-262-9019
- Miyoshi-machi Jumin-ka Jumin-tanto:tel.049-258-0019
|
2-5 Naturalisasyon |
Upang makatanggap ng naturalisasyon
bilang Hapones, kailangang mag-apply at kumuha ng permiso
sa Ministro
ng Hustisya. At pagkatapos, dalhin ito sa city hall.
Ang mga dokumento na kinakailangan para sa pagparehistro
para sa
naturalization.
- Naturalization registration form (kung ikaw ay asawa ng isang Hapon, ang kanyang pirma ay kailangan.)
- Ang inyong identification card (ipinagkaloob ng
“District Legal
Affairs Bureau”)
- Family registry ng Hapon na asawa (hindi kailangan
kung magre-rehistro sa bayan kung saan nanduon ang kanyang
family registry).
* Ang pag-proseso at pagpapaliwanag
para sa aplikasyon sa naturalisasyon ay hindi ginagawa sa
village/town/city halls. Sa mga katanungan, makipag-ugnayan sa District Legal
Affairs Bureau.
[Katanungan]
- Saitama District Legal Affairs Bureau Koseki-ka : tel.048-851-1000
|
|