Japanese Chinese Korean English Portuguese Tagalog Vietnamese
16 Aksidente sa Trapiko
Living Guide Top
Tagalog Top
1Sistema ng residency management
2 Sistema ng family registry
3 Rehistrasyon ng Selyo o Seal
4 Pabahay
5 Tubig, Gas, Elektrisidad at Telepono
6 Pagtatapon ng Basura
7 Post Office at Delivery Companies
8 Banko
9 Trapiko
10 Buwis
11 Trabaho
12 National Health Insurance
13 National Pension Plan
14 Asosasyon ng mga magkakapitbahay
15 Pag-iwas sa Kalamidad, Apoy at Emergency
16 Aksidente sa kalye
17 Pangangalaga ng bata
18 Welfare
19 Health checkups para sa mga adults
20 Edukasyon
21 Impormasyong Medikal
22 Konsultasyon at Pagpapayo
Pasilidad
23 City/Town Halls at iba pang mga pampublikong pasilidad
24 Mga paaralan at mga institusyong pang-edukasyon
25 Iba pang mga pampublikong pasilidad
26 Refuge (Shelter)
27 Mga Klinika at Ospital



Japanese Chinese Korean English Portuguese Tagalog Vietnamese

16-1 Sakaling nagkaroon ng aksidente

Kung sakaling nagkaroon ng aksidente na malapit sa inyo :
  1. Tingan kung may magagawa para mailigtas ang nasugatan o nasaktan.
  2. Tumawag sa 110 at i-report sa pinakamalapit na estasyon ng pulisya.
  3. Magpapunta ng ambulansya para sa mga nasugatan sa aksidente.
  4. Kung kayo ang biktima, isulat ang pangalan ng suspect, address, telepono, numero ng sasakyan, lisensya at insurance company.
  5. Kung sa inyong palagay ay hindi maayos ang inyong pakiramdam, magpatingin kaagad sa duktor.
  6. Kung kayo ang nakagawa ng sakuna, tulungan muna ang biktima.
Japanese Chinese Korean English Portuguese Tagalog Vietnamese

16-2 Papaano tumawag sa 110

Tumawag sa 110 : "kaagad", "tamang impormasyon", at "maging mahinahon".
  1. Ipaalam ng maliwanag na ito ay aksidenteng pang-trapiko
  2. Kailan at saan nangyari (oras, lokasyon at mga palatandaan sa paligid )
  3. Bilangin ang bilang ng nasugatan at ang kanilang kondisyon.
  4. Ipaalam ang inyong pangalan at address.
Japanese Chinese Korean English Portuguese Tagalog Vietnamese

16-3 Ambulansya

Idial ang 119 upang tumawag sa ambulansya sa oras ng emergency, biglaang karamdaman o malubhang pagkakasugat. Libre ang serbisyo ng ambulansya. Kung hindi naman grabe ang
pagkasugat, gamitin ang sariling sasakyan o tumawag ng taxi.

(1) Mga kailangang impormasyon kung tatawag ng ambulansya.

  1. Lugar kung nasaan ang sugatan o maysakit
  2. Inyong pangalan at numero ng telepono
  3. Mga palatandaan na malapit sa lugar
  4. Kondisyon ng sugatan o maysakit

(2) Papaano tumawag sa 119

Ipaalam ng malinaw kung ano ang uri ng emergency (sunog o biglang karamdaman) gayundin ang lokasyon at address.
  1. Medikal na emergency: Kyukyu desu
  2. Pagpapunta ng ambulansya: Kyukyusha wo onegai shimasu
Japanese Chinese Korean English Portuguese Tagalog Vietnamese

16-4 Pagtawag ng emergency call mula sa cell phone

Ipaalam na ikaw ay tumatawag mula sa cell phone o PHS. Matapos tumawag ng emergency call, huwag ninyong i-turn off ang cell phone (mga 10 minuto) dahil maaaring kontakin kayo ng #110 o #119 kung may itatanong muli o para i-kumpirma ang inyong tawag.

Japanese Chinese Korean English Portuguese Tagalog Vietnamese

16-5 Mutual Aid Traffic Accident Insurance Plan ng mga lokal na munisipalidad

Kung kayo ay miyembro ng Mutual Aid Traffic Accident Insurance Plan, maaari kayong makatanggap ng benepisyo. Para sa mga residente ng syudad na nakatala sa Basic Resident Registration maaaring lumahok sa planong ito. Personal na mag-apply sa city hall, munisipyo, o sa mga sangay o maging sa pinakamalapit na Japan Post Bank (post office) sa inyong lugar. Makipag-ugnayan lamang dahilan sa ang palugit ng panahong maaring mag-apply ay depende sa pamaraan ng sasalihang insurance.

Halaga ng subscription fee ay 500 yen kada taon sa isang tao (500 yen din ang bayad kahit na sa kalagitnaan ng taon pumasok). Upang makatanggap ng benepisyo sakaling masangkot sa aksidente, magsadya sa seksyon ng tagapamahala sa city hall at isumite ang inyong.
  1. bank account number
  2. traffic accident certificate o traffic accident acknowledgement form
  3. medical certificate (makukuha sa city hall)
  4. ang inyong member's card
[Katanungan]
  • Fujimi-shi Kyoudou-Suishin-ka : tel.049-251-2711
  • Fujimino-shi Douro-ka Koutsu Anzen-kakari : tel.049-257-5221
  • Miyoshi-machi Jichi Anshin-ka Bousai-Koutsu Anzen-tanto : tel.049-258-0019