|
|
8-1
Pagbukas ng bank account |
Isulat
ang mga impormasyong kailangan sa application form mula sa
counter at ihanda ang iyong resident card at pasaporte. Gumamit ng selyo (seal) sa pagpirma sa
inyong application form. Kung kayo ay magbubukas ng bank
account, kayo ay bibigyan ng cash card, na maaaring
gamitin sa pag withdraw ng pera sa mga ATM (automatic
teller machine) o mula sa CD (cash dispenser).
|
8-2
Withdrawal at deposit |
Maaaring
mag-withdraw gamit ang bankbook at rehistradong selyo
(seal) sa counter, o gumamit ng ATM o CD card. Subalit mas
mainam gamitin ang cash card o ATM.
Ipasok lamang ang iyong cash card at i-enter ang PIN
number kung kayo ay
nais mag-withdraw ng pera mula sa ATM. Maari din
magdeposito sa ATM gamit
ang cash card o bankbook.
|
8-3
Remittance sa ibang bansa |
3
uri ng remittance sa ibang bansa: remittance check,
ordinary money order at telegraphic money order. Maaaring
ipadala ang remittance check na inisyu ng banko sa
pamamagitan ng koreo. Pero ang remittance sa ordinaryo o
telegraphic money order ay mas mainam. Ang telegraphic
money order ang pinakamabilis
sa tatlo.
|
|