Japanese Chinese Korean English Portuguese Tagalog Vietnamese
6 Pagtatapon ng Basura
Living Guide Top
Tagalog Top
1 Sistema ng residency management
2 Sistema ng family registry
3 Rehistrasyon ng Selyo o Seal
4 Pabahay
5 Tubig, Gas, Elektrisidad at Telepono
6 Pagtatapon ng Basura
7 Post Office at Delivery Companies
8 Banko
9 Trapiko
10 Buwis
11 Trabaho
12 National Health Insurance
13 National Pension Plan
14 Asosasyon ng mga magkakapitbahay
15 Pag-iwas sa Kalamidad, Apoy at Emergency
16 Aksidente sa kalye
17 Pangangalaga ng bata
18 Welfare
19 Health checkups para sa mga adults
20 Edukasyon
21 Impormasyong Medikal
22 Konsultasyon at Pagpapayo
Pasilidad
23 City/Town Halls at iba pang mga pampublikong pasilidad
24 Mga paaralan at mga institusyong pang-edukasyon
25 Iba pang mga pampublikong pasilidad
26 Refuge (Shelter)
27 Mga Klinika at Ospital


Sa pagtapon ng basura ay mayroong kaibahan sa bawat siyudad at bayan. Tatalakayin dito ay yung kagaya sa patakaran ng Fuijimi-shi. Para sa detalye ng pagtapon ng basura, maari lamang na alamin ayon sa taunang kalendaryo na itinalaga ng (Fujimi-shi, Fujimino-shi , at Miyoshi-machi.)

Maari lamang bigyan ng tamang atensyon ang mga sumusunod:
  • Ang tamang paghiwa-hiwalay ng basura at ang araw ng koleksyon ay may iskedyul sa mga area o distrito. Ilagay ang mga basura sa plastik na nakikita ang loob o translucent bag at ilabas sa mga nakatalagang lugar ng 8:30am (sa Fujimi-shi), 8:00am (sa Fujimino-shi at Miyoshi-machi) sa araw ng koleksyon.
  • Mga basurang pambahay ay hindi kokolektahin at ito ay iiwanan kung hindi ipaghiwa-hiwalay ng ayon sa designasyon at hindi inilabas ng tama sa oras. Tuparin natin ang panuntunan.
  • Pinagbabawal din ang pagkuha ng mga binasurang bagay na maari pang i “recycle” mula sa lugar ng tapunan. Ang pagkuha ng itinapong basura ay isang krimen o gawaing labag sa batas.

Japanese Chinese Korean English Portuguese Tagalog Vietnamese

6-1 Paghihiwalay ng basura - mga nasusunog na basura (basurang maaring sunugin)

Basura mula sa kusina, basurang gawa sa goma, mga sanga at dahon, paper diapers (alisin ang dumi at i-flush sa toilet) at iba pa. Tanggalin ang tubig sa basura mula sa kusina bago ito itapon. Ilagay ito sa plastic bag.

Japanese Chinese Korean English Portuguese Tagalog Vietnamese

6-2 Paghihiwalay ng basura - recyclable plastics

Ang mga basurang plastik ng mga pagkain at iba pa na maaari pang gamitin ay kinukolekta para sa recycling.
  • Fujimi-shi : green na net
  • Fujimino-shi at Miyoshi-machi : plastic bags para sa basura
Japanese Chinese Korean English Portuguese Tagalog Vietnamese

6-3 Paghihiwalay ng basura - hindi nasusunog na basura (basurang hindi sinusunog)

Ang mga bagay na katulad ng ceramic, salamin, mga cup, aluminum foils, at maliliit na electric appliances ay mga di nasusunog na basura o non combustible garbage.
  • Fujimi-shi : Ilagay ang mga hindi sinusunog na basura sa kulay berde na lalagyan.
Japanese Chinese Korean English Portuguese Tagalog Vietnamese

6-4 Paghihiwalay ng basura - mga delikadong basura

Mga uri ng basura na kasama sa hindi nasusunog na basura kagaya ng lighter, mercury thermometer (gamit sa pagkuha ng room temperature), mercury clinical thermometer (gamit sa pagkuha ng body temperature), dry batteries at iba pa ay ilagay sa lagayan ng basura para sa mga hindi nasusunog na basura.at iba paIlagay ang fluorescent tubes at bulbs, sa pinaglagyan na balot nito nung ito ay nabili o maari ding walang balot, at ilagay sa nakatalagang lagayan ng basura.

Sa Fujimino-shi at Miyoshi-machi, ilagay ang mga delikadong basura sa plastic bag o lalagyanang nakikita ang laman at lagyan ng nakasulat na 'kiken' (delikado).

Japanese Chinese Korean English Portuguese Tagalog Vietnamese

6-5 Paghihiwalay ng basura - basurang maaring i-recycle

Mga diyaryo, flyers, magazines, libro, karton, paper packs, iba pang mga papel at tela ay bigkisin o talian. Mga lata, bote, PET bottles, at iba pang kagayang uri: alisin ang takip ng plastic bottles at bote. (mga takip na gawa sa metal ay isama sa hindi nasusunog na basura at mga takip na gawa sa plastic ay isama sa nare-recycle na plastics). Ang mga PET bottle ay ilagay sa nakatalagang lagayang net, at ang mga lata, bote, iba pang uri ng mga bote ay kailangang ilagay sa nakatalagang mga lagayan.

Sa Fujimino-shi at Miyoshi-machi, ang mga plastic bottles at lata ng mga inumin (drink cans) ay inilalagay sa nakatalagang plastic nets.

Japanese Chinese Korean English Portuguese Tagalog Vietnamese

6-6 Paghihiwalay ng basura - malalaking basura

Ang paghakot ng malalaking basura ay inaabot ng 2 ~ 3 linggo ang pagitan. Bilang karagdagan, ang ilan sa mga sumusunod na klase ng basura ay may karampatang singil sa Fujimino-shi at Miyoshi-machi. Mangyaring bumili ng ticket sa pagbabayad, ilakip ito sa malalaking basura, at ilagay ito nakatalagang lugar ng kuhanan ng basura. Ang ibang malalaking basura ay walang bayad. Ilagay ang mga ito sa nakatalagang lugar sa takdang araw ng pagkolekta.

(Malalaking basura na may bayad sa Fujimino-shi at Miyoshi-machi : Mattress na may spring, folding bed, massage chair, chairs, sofa, organ, electronic piano, health equipments na may electric motor, roof carriers na gamit sa sasakyan , bisekleta, tatami )

Japanese Chinese Korean English Portuguese Tagalog Vietnamese

6-7 Mga basura na hindi kinukolekta ng siyudad

Ang mga sumusunod ay hindi maaring ilagay sa tapunan ng basura: mga gulong, bathtubs, fire extinguishers, motorbikes, mga semento at kagaya na mahirap i-proseso. Gayundin ang mga sumusunod na basura ay hindi kinokolekta ng syudad at bayan ayon sa batas ng Home Appliance Recycling Law: mga refrigerator/freezer, air conditioner at yung outdoor unit, television (CRT, plasma, LCD, organic EL), washing machines/clothes dryers, at mga PC (personal computer). Kung kayo ay lilipat ng tirahan at kailangang magtapon ng maramihang basura, makipag-ugnayan sa nakatalagang departamento ng munisipyo o city hall.

[Katanungan]
  • Fujimi-shi Kankyou-ka : tel.049-252-7100 (direct line)
  • Fujimino-shi Kankyou-ka Haikibutsu Taisaku-kakari : tel.049-262-9022
  • Miyoshi-machi Kankyo-ka Kankyou Taisaku-tanto : tel.049-258-0019 (extension 216,217)