Konseho ng bayan (chokai), asosyasyon ng mga residente
(Jichikai), asosyasyon ng mga magkakapitbahay (chonai-kai), administrasyon para sa pakikipag-ugnayan ng mga distrito (Gyosei-renraku-ku).
Ang mga organisasyong nakasaad sa itaas ang mga namumuno at namamahala sa mga gawaing pang-komunidad, mga kaganapan o ebento at iba pa para mapanatili ang kapayapaan at maging komportable ang lugar at pamumuhay ng mga residente. Ilan sa kanilang mga gawain ay ang pagpapasa ng mga notisya, "Kairanban", paghahanda sa mga fiesta at mga disaster prevention drills. Ang pakikiiisa ng mga residente sa mga aktibidad na kagaya nito ay nakakatulong para magkaroon ng magandang samahan bilang magkakapitbahay at residente ng lugar at para mapaniguro ang kaligtasan ng mga tao at ng buong bayan.
Mga banyagang residente ay inaasahang sumapi din sa mga asosasyong ito.
Para sa babayarin sa pagsapi at mga gawain, magtanong sa inyong kapitbahay, sa inyong Japanese class, o sa mga kawani ng city/ town hall.