Japanese Chinese Korean English Portuguese Tagalog Vietnamese
3 Rehistrasyon ng Selyo o Seal
Living Guide Top
Tagalog Top
1Sistema ng residency management
2 Sistema ng family registry
3 Rehistrasyon ng Selyo o Seal
4 Pabahay
5 Tubig, Gas, Elektrisidad at Telepono
6 Pagtatapon ng Basura
7 Post Office at Delivery Companies
8 Banko
9 Trapiko
10 Buwis
11 Trabaho
12 National Health Insurance
13 National Pension Plan
14 Asosasyon ng mga magkakapitbahay
15 Pag-iwas sa Kalamidad, Apoy at Emergency
16 Aksidente sa kalye
17 Pangangalaga ng bata
18 Welfare
19 Health checkups para sa mga adults
20 Edukasyon
21 Impormasyong Medikal
22 Konsultasyon at Pagpapayo
Pasilidad
23 City/Town Halls at iba pang mga pampublikong pasilidad
24 Mga paaralan at mga institusyong pang-edukasyon
25 Iba pang mga pampublikong pasilidad
26 Refuge (Shelter)
27 Mga Klinika at Ospital


Kung ikaw ay 15 taong gulang pataas at nakatala bilang rehistradong residente maaari kang mag-apply para sa seal registration. Ang selyo o seal ay hindi dapat yung karaniwang ibinebenta sa mga stationery shops at ito ay dapat na may sukat na 8mm hanggang 25mm sq. Ang pangalan sa inyong seal ay dapat kasintulad ng nakasulat sa inyong resident card. Isang seal kada isang tao ang maaaring iparehistro.

Para sa aplikasyon kailangan ang inyong resident card, special permanent resident certificate at registered seal. Kumontak o makipag-ugnayan lamang bago pumunta para sa pagpa-rehistro ng inyong seal.


Japanese Chinese Korean English Portuguese Tagalog Vietnamese

3-1 Paraan ng pagpaparehistro

Kung ikaw ay 15 taong gulang paitaas at nakatala sa sertipikong kopya ng "resident registration” maaari kang mag-apply para sa seal registration sa siyudad kung saan ka kasalukuyang naninirahan. Ang selyo o seal ay hindi dapat ready-made, ito ay may sukat na 8mm hanggang 25mm, at ang pangalan ay kaparehas ng nakasulat sa card ng residente. Ang mga may karaniwang pangalan sa card ng kanilang residente ay maaari ding magparehistro gamit ang common name seal. Bilang karagdagan, tanging ang mga residenteng hindi gumagamit ng kanji (mga dayuhang residente na ang pangalan ay hindi gumagamit ng kanji sa opisyal na identification card ng bansa / rehiyon na nakalista sa resident card) ang maaaring mairehistro na may seal na nakasulat sa katakana. Isang seal lamang kada isang tao ang maaaring iparehistro.

Kailangan isumite ang inyong resident card o special permanent resident card at ang seal na ipaparehistro. Mangyaring makipag-ugnayan lamang ng maaga sa tanggapan ukol sa pagpa-rehistro ng iyong seal. Sa mga katanungan, makipag-ugnayan sa Shimin-ka o (Jumin-ka) bago magtungo para sa pagparehistro.

[Katanungan]
  • Fujimi-shi Shimin-ka Shimin-kakari:tel.049-252-7110
  • Fujimino-shi Shimin-ka Shimin-kakari: tel.049-262-9018
  • Miyoshi-machi Jyumin-ka Jyumin-tanto: tel.049-258-0019
Japanese Chinese Korean English Portuguese Tagalog Vietnamese

3-2 Katibayan ng Seal Registration

Sa pag-apply para sa seal registration certificate sa Fujimi-shi at Fujimino-shi, isulat sa application form, ang mga kailangang data, ipakita ang seal registration card at personal identification document. Alalahanin lamang na kung hindi dala ang seal registration card ay hindi kayo makakakuha ng seal registration certificate. Gayundin kung may mali o hindi magtugma ang nakasulat na data sa application form ay hindi ninyo matatanggap ang seal registration certificate.

Kung mayroon kang My Number Card at ito ay may valid na digital certificate, maaari kang magpagawa ng kopya sa mga convenience store saan man sa buong bansa.

[Katanungan]
  • Fujimi-shi Shimin-ka Shimin-kakari:tel.049-252-7110
  • Fujimino-shi Shimin-ka Shimin-kakari: tel.049-262-9018
  • Miyoshi-machi Jyumin-ka Jyumin-tanto: tel.049-258-0019