Japanese Chinese Korean English Portuguese Tagalog Vietnamese
4 Pabahay
Living Guide Top
Tagalog Top
1 Sistema ng residency management
2 Sistema ng family registry
3 Rehistrasyon ng Selyo o Seal
4 Pabahay
5 Tubig, Gas, Elektrisidad at Telepono
6 Pagtatapon ng Basura
7 Post Office at Delivery Companies
8 Banko
9 Trapiko
10 Buwis
11 Trabaho
12 National Health Insurance
13 National Pension Plan
14 Asosasyon ng mga magkakapitbahay
15 Pag-iwas sa Kalamidad, Apoy at Emergency
16 Aksidente sa kalye
17 Pangangalaga ng bata
18 Welfare
19 Health checkups para sa mga adults
20 Edukasyon
21 Impormasyong Medikal
22 Konsultasyon at Pagpapayo
Pasilidad
23 City/Town Halls at iba pang mga pampublikong pasilidad
24 Mga paaralan at mga institusyong pang-edukasyon
25 Iba pang mga pampublikong pasilidad
26 Refuge (Shelter)
27 Mga Klinika at Ospital




Japanese Chinese Korean English Portuguese Tagalog Vietnamese

4-1 Pagrenta

(1) Pribadong Pabahay

Kadalasan, ang kabuuang gastos sa pamamahay, kasama ang renta at iba pang gastusin gaya ng sharing cost, kabayaran sa garahe at iba't ibang utilities ay humigit kumulang 1/3 ng iyong suweldo. Kailangan mo rin ng isang guarantor. Kung ikaw ay naghahanap ng matitirahan, komunsulta sa isang real estate agency kung saan nais ninyong manirahan. Upang maiwasan ang anumang problema, mas mainam na may kasama kang Hapones sa pagbisita sa ahente.

(A) Paunang pagbisita
Bago magrenta, aming ini-rerekomenda na bisitahin ang bahay o lugar. Tingnan kung hindi maingay ang paligid, kung maganda ang puwesto at nasisikatan ng araw, kundisyon ng bahay, layo mula sa estasyon ng tren, seguridad sa gabi, utilities at iba pa.

(B) Mga kailangang dokumento sa pag-renta
Kailangang ipakita ang inyong a certified copy ng resident registration, katibayan ng kita o income, sulat mula sa guarantor, at seal registration certificate.

(C) Halaga ng babayaran sa pagpirma ng kontrata sa renta
Ang inyong babayaran ay humigit kumulang mga 6 na buwang halaga ng renta (yachin), 1-2 buwan key money (reikin), at 2-3 buwan deposito (shiki-kin). Ang halaga ng paglilipat para sa isang one room-studio-type ay 50,000 ~ 100,000 yen.

(2) Mga ahensiya ng real state na maaring malapitan ng mga banyagang nais mangupahan

Sa Saitama Pref. Gov’t office ay maaring makakuha ng impormasyon ukol sa mga rehistradong real state agencies na nagbibigay ng mga nararapat na impormasyon sa mga banyaga.
Listahan ng mga ahensiya ng real state na nagbibigay suporta.

Mayroong apat na mga tindahan ng suporta tulad ng sumusunod.
  • Marushin Jyuchi Ltd. : 1-5-15, Kasumigaoka, Fujimino-shi
    tel. 049-261-2888, fax. 049-266-5718
  • Koshiki housing : 2-5-6, Nishi-mizuhodai, Fujimi-shi
    tel. 049-252-1237, fax. 049-254-2661
  • Hoshino Ltd. : 2612-7, Oaza Tsuruma, Fujimi-shi
    tel. 049-251-3336, fax. 049-251-4651
  • Ltd. Rizon Mizuhodai-shiten : 1-1-9,Nishi mizuhodai Fujimi-shi
    tel. 049-268-5911, fax. 049-253-4711

(3) Pampublikong pabahay (prefecture housing)

Ito ay para sa mga residente o nagtatrabaho dito sa Saitama Prefecture at sa mga pamilyang may limitadong pinagkukunan ng kita o income. Ang aplikasyon ay mula ika-isa hanggang ika - 21 ng Enero, Abril, Hulyo at Disyembre. Ang application form ay makukuha sa city hall o munisipyo at sa mga sangay nito.

[Katanungan]
  • Sumai Sodan Plaza : tel.048-658-3017
  • Fujimi-shi Kenchiku Shido-ka : tel.049-252-7127
  • Fujimino-shi Kenchiku-ka Jyutaku Seisaku-kakari : tel.049-262-9043
  • Miyoshi-machi Toshi Keikaku-ka : tel.049-258-0019

(4) Public housing sa Fujimino-shi (maaring umupa pag may bakante)

Kung dayuhang residente, maaring mag-apply kung may permanent resident status, gayundin kung nakatira sa Fujimino-shi at ang kabuuang kita ng sambahayan ay nakapaloob sa limit na nakasaad. Gayundin sa kasalukuyan ay nahihirapang humanap ng tirahan sa pinansyal na dahilan. Para sa detalye tumawag lamang sa tanggapan.
Ang aplikasyon ay isang beses kada taon sa loob ng buwan ng Setyembre.

[Katanungan]
  • Fujimino-shi Kenchiku-ka Jyutaku Seisaku-kakari : tel.049-262-9043

(5) Public housing sa Fujimi-shi (maaring umupa pag may bakante)

Ang applikante ay kailangang nakatira sa Fujimi-shi, ang kabuuang kita ng sambahayan ay nakapaloob sa limit na nakasaad. Ang aplikante ay nakakaranas ng kahirapan sa paghahanap ng matitirhan.
Ang aplikasyon ay isang beses kada taon sa loob ng buwan ng Setyembre.

[Katanungan]
  • Fujimi-shi Kenchiku Shido-ka : tel.049-252-7127
Japanese Chinese Korean English Portuguese Tagalog Vietnamese

4-2 Pautang sa Pagpapatatayo ng Bahay

Ang Fujimino-shi at Miyoshimachi ay bumuo ng "joint loan system" sa Irumano agricultural corporative at central labor financial bank para sa mga nais magpatayo ng sariling bahay.
  1. Maximum na pondo o pautang
    • Maximum na 10 million yen (Miyoshi-machi),
      12 million yen (Fujimino-shi) para sa may seguro sa pautang.
    • Maximum na 3 million yen (Fujimino-shi),
      5 million yen (Miyoshi-machi) para sa walang seguro sa pautang.
  2. nterest rate ng loan o pautang
    • Ang interest rate ay nagbabago at depende rin sa pinansyal sektor, uri ng pautang kung mayroon o walang seguro.
  3. Takda ng pagbabayad
    • Ang takda ng pagbabayad ay depende sa halaga ng utang. Kung may seguro, ang takda ay 10~30 taon
    • at kung walang seguro ay hanggang 10 taon (Fujimino-shi),
      at kung walang seguro ay hanggang 15taon (Miyoshi-machi).
  4. Paraan ng pagbabayad
    • Maaring magbayad sa nakatalagang buwanang halaga (halaga ng prinsipal na utang at interest na dinibisyon sa bilang ng buwan). Bayad sa kalahating taong kabayaran ay maaring isama sa buwanang kabayaran.
[Katanungan]
  • Fujimino-shi Sangyo Shinkou-ka Shoukou Rousei-kakari : tel.049-262-9023
  • Miyoshi-machi Kankou Sangyo-ka Shoukou Kankou-tanto : tel.049-258-0019