Japanese Chinese Korean English Portuguese Tagalog Vietnamese
9 Trapiko
Living Guide Top
Tagalog Top
1Sistema ng residecy management
2 Sistema ng family registry
3 Rehistrasyon ng Selyo o Seal
4 Pabahay
5 Tubig, Gas, Elektrisidad at Telepono
6 Pagtatapon ng Basura
7 Post Office at Delivery Companies
8 Banko
9 Trapiko
10 Buwis
11 Trabaho
12 National Health Insurance
13 National Pension Plan
14 Asosasyon ng mga magkakapitbahay
15 Pag-iwas sa Kalamidad, Apoy at Emergency
16 Aksidente sa kalye
17 Pangangalaga ng bata
18 Welfare
19 Health checkups para sa mga adults
20 Edukasyon
21 Impormasyong Medikal
22 Konsultasyon at Pagpapayo
Pasilidad
23 City/Town Halls at iba pang mga pampublikong pasilidad
24 Mga paaralan at mga institusyong pang-edukasyon
25 Iba pang mga pampublikong pasilidad
26 Refuge (Shelter)
27 Mga Klinika at Ospital


Sa bansang Hapon, ang mga pedestrians ay kailangang nasa kanang bahagi ng daan, at lahat ng sasakyan kasama ang bisekleta ay dapat sa kaliwang bahagi ng daan.


Japanese Chinese Korean English Portuguese Tagalog Vietnamese

9-1 Rehistrasyon ay kailangan para maiwasan ang krimen

Kapag may bagong biling bisekleta, kailangang iparehistro sa tindahan. Kapag ito ay ninakaw, ito ay madaling matutunton.

Japanese Chinese Korean English Portuguese Tagalog Vietnamese

9-2 Regulasyon sa pagparada ng bisekleta

Ine-rerekomenda na iparada ang bisekleta sa pampubliko o pribadong paradahan, ang bisekletang iniwan sa isang no-parking area (gaya ng sa estasyon) ay aalisin ayon sa ordinansa ng bicycle abandonment prevention ng Fujimi-shi at Fujimino-shi Sakaling mangyari ito sa inyo, kailangang kuhanin ang inyong bisekleta sa bicycle storage depot sa loob ng tatlong buwan mula ng ito ay makuha. Ito ay inyong matutubos sa pamamagitan ng pagbabayad ng karampatang halaga.

[Katanungan]
Mizuhodai station east exit area, Tsuruse Station east exit area at Fujimino station area
Fujimi-shi No.1 bicycle storage depot :
  • tel.049-253-6816
  • 10:00~18:00
    (sarado ng Lunes, petsa ng Dec. 29 ~ Jan. 3)
Mizuhodai station west exit area at Tsuruse station west exit area
Fujimi-shi No.2 bicycle storage depot :
  • tel.049-259-6606
  • 10:00~18:00
    (sarado ng Lunes, petsa ng Dec. 29 ~ Jan. 3).
Sa paligid ng istasyon ng Kamifukuoka, istasyon ng Fujimino (sa mga area na kasakop ng Fujimino-shi)
Fujimino-shi Fukuoka Koukakyou-shita bicycle storage depot :
  • tel.049-269-1369
  • 10:00 ~17:30 sa week days, 10:00~16:00 pag Linggo
    (sarado ng Miyerkules, pista opisyal, at mga araw mula Dec. 29 ~ Jan 3).
Japanese Chinese Korean English Portuguese Tagalog Vietnamese

9-3 Pagkuha ng bicycle casualty insurance

Ayon sa ordinansa ng Saitama Prefecture ang mga gagamit ng bisekleta ay kakailanganing kumuha ng bicycle casualty insurance o kagayang insurance. Dahil sa maaring malaking halaga ang sisingilin kung sakaling magkaroon ng aksidente, ang lahat ay inu-obligahang kumuha ng bicycle insurance.

Para sa detalye, magtanong sa tindahan o dealer ng bisikleta, kumpanya ng insurance para sa casualty o kagayang kumpanya.

Japanese Chinese Korean English Portuguese Tagalog Vietnamese

9-4 Pumapasadang bus at wagon sa siyudad at Life bus

Mga bus at wagon ay pumapasada sa loob ng syudad at nadaan sa malalaking pampublikong pasilidad, sa city hall, town hall at sa mga lugar malapit sa estasyon ng tren.

Fujimi-shi
  • Sirkulasyon ng bus sa syudad (Fureai-go)
  • Karaniwang Bayad: 200 yen sa matatanda ,+100 yen sa mga bata
  • Fujimi-shi Toshi Keikaku-ka
    Tel: 049-251-2711
Fujimino-shi
  • Sirkulasyon ng bus sa syudad (Fujimin-go)
  • Karaniwang Bayad: 200 yen sa matatanda ,+100 yen sa mga bata
  • Fujimino-shi Toshi Keikaku-ka, Machizukuri Seibi tanto, Kotsu Seisaku Group
    Tel: 049-220-2072
Life Bus (Route 5)
  • Bayad sa loob ng bayan ng Miyoshi-machi: 220 yen para sa matatanda
  • Bayad sa loob ng syudad ng Fujimi-shi: 210 yen para sa matatanda
  • Karaniwang bayad para sa mga bata : 110 yen
    *Maaring magbayad gamit ang prepaid card o cash
  • Life Bus Tel: 049-259-7566
Japanese Chinese Korean English Portuguese Tagalog Vietnamese

9-5 Lisensya sa Pagmamaneho

Balido ba sa bansang Hapon ang iyong international driver's license? Kung hindi, hindi ka maaaring magmaneho ng sasakyan o motorbike. Kailangan mo ng Japanese license. Ang lisensiya na kinuha sa ibang bansa ay maaaring gamitin sa pagkuha ng Japanese license kung may katibayan na nagpapatunay na tumira ka sa bansang nasabi ng 3 buwan matapos makuha ang lisensya. Magtanong sa Saitama Prefectural Driver's Licensing Center sa mga dokumentong kailangan sa pagpapalit.

[Katanungan]
Saitama Prefectural Driver's Licensing Center's Foreign License
  • Consultation Office : tel.048-543-2001 ext.334, 335 (English)
Japanese Chinese Korean English Portuguese Tagalog Vietnamese

9-6 Paraan ng pagkuha ng driver's license sa Japan

Para makakuha ng driver's license sa Japan, pumunta sa driving school o kaya'y kumuha ng test sa direktang lugar na kuhanan ng driver's license. (Maaaring kumuha ng pagsusulit o test sa Ingles o Japanese Hiragana)

Japanese Chinese Korean English Portuguese Tagalog Vietnamese

9-7 Insurance ng Sasakyan

Pinapayuhan na kumuha ng insurance para sa sasakyan. Kombinasyon ng insurance plans ay minumungkahi para sa inyong proteksyon at sa ibang tao sakaling magkaroon ng aksidente sa trapiko.

(1) Compulsory Insurance/ Obligadong insurance

Kinakailangang kumuha ng compulsory liability insurance para sa mga may sasakyan.

(2) Pribadong Insurance

Ang pribadong insurance ay nagbibigay kompensasyon para sa pagkasira ng sasakyan at sa mga nasugatang pasahero na hindi kasama sa compulsory insurance. Ito ay tumutulong din sa pakikipag-negotiate para sa kompensasyon. Maaaring makakuha nito sa mga pribadong insurance companies. Para sa dagdag detalye, magtanong sa private insurance companies o sa kanilang mga ahente.